Advertisers

Advertisers

Vilma type maging kontrabida sa unang serye; Heart nakunan ulit

0 16

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA tagal na nga ni Vilma Santos sa film industry, inamin nito na never pa ito nakagawa ng serye.

Di nga raw gaya ng leading man nito na si Christopher de Leon na may ilang serye nang nilabasan.



Gulat sina Tintin at Julius Babao nang makapanayam nila ito dahil kahit isa raw ay wala pa itong serye.

To think na bumilang na ito ng maraming dekada sa industriya.



Dahil nung nauso nga raw ang serye ay 24 years naman itong naging public servant.

Kumbaga, nung sagsag ang serye noon ay sa pulitika ang pokus ni Ate Vi kaya hindi nito napagtuunan na kahit isang serye lang ay may malabasan.



If ever bigyan ito ng chance na makalabas sa serye ay pagiging kontrabida raw ang gusto nito.

Halos lahat ng film ni Ate Vi ay bida ito kaya for a change raw.

Patotoo ni Ate Vi na naging bida kontrabida na siya sa film na Sinasamba Kita at Tagos ng Dugo.

Sa serye naman ay pure kontrabida ang gusto ng lola ni Peanut.

***

MATATANDAAN na noon 2018 ay nakunan na ang celebrity mom na si Heart Evangelista para sa anak nilang kambal sana ni Chiz Escudero.

Dahil sa kagustuhan ni Heart na magbuntis at mabigyan ng anak si Chiz, nito lang September 2022 ay dumaan ito sa prosesong Vitro Fertilization or IVF.

Naiyak si Heart nang ibalita nito na nakunan na naman siyang muli.

Napaluha ito dahil hirap ito na mag-produced ng egg cell.

Supposed to be nga raw ay may nakalaan na ditong name, Sophia Heart.

Pero ‘di pa rin sila pinalad ng mister na mabiyayaan ng kahit isa lang na anak.

Handa raw maghintay ang couple na Heart at Chiz na mabibiyaan pa rin sila ng anak.

Well, well, well… ‘Yun na!