Advertisers

Advertisers

Yorme!, help naman sa SSC vendors sa Juan Luna-Recto, Manila

0 406

Advertisers

Sinimulan na ng Sampaguita Shopping Center Building na nasa kanto ng Juan Luna at CM Recto, Tondo ang pangangamkam sa puesto ng vendors sa bangketa, inaangkin na nila ang buong sidewalk. Pinipilit nila na magbigay sa kanila ng tarya gabi-gabi. Naglagay na sila ng bakal na rehas para tuluyan nang maangkin ang sidewalk na ginagamit sa nightime vending. Ang pangangamkam ay pakana ng building administrator, kasapakat ang mga alipores niyang pawang drug addicts na sina Rambo at Bryan. Yorme, saklolohan po ninyo kami, huwag kunsintihin ang mga mapang-api at mga mapanglamang. Alisin ang inilagay na rehas. Maawa naman sa pobreng vendors na naghahanapbuhay ng marangal para sa pamilya. Sa law-enforcers, huwag kampihan ang mga nang-aapi sa mga mahihirap. – SSC Vendors Group

Mga salot sa vendors at mamimili sa Divisoria
Mga mall sa Divisoria at sa Binondo, Manila, ang pulis na Velasco ilang taon palang yata ito sa serbisyo pero sobrang talim na. Mga guard sa mall patong din sa pickpocket at salisi lalo na yung si “Tomboy Liit” sa 168 namamayagpag. Lahat silang patong wala silang pinalalagpas. Police sumasahod sa gobyerno, ‘yong mga guard sumasahod din sa agency pero grabe mangikil sa vendors at mga iligalista rito. Sana po matulungan kame ni Yorme na makorner ang mga salot dito sa Divisoria. – Concerned vendor

Paramdaman ng kalikasan
TEXT BRIGADE: BANGON MARIKINA ANG UNOS NA DUMARATING SA ATING BUHAY. HINDI NA PAGSUBOK ITO KUNDI PARAMDAM NG KALIKASAN. MARAMI NA SA ATIN ANG NAKAKALIMOT SA TAAS. ANDYAN ANG KILLER COVID-19, KALAMIDAD, AT ANG MGA INAASAHAN NATIN SA GOBYERNO ANG IBA WALANG GINAWA KUNDI MANGURAKOT. MARAMING BUWAYA SA LAWA NG GOBYERNONG PDU30. DAPAT TULUNGAN NATIN SYA MGA KABABAYAN PARA MATIGIL NA ANG KURAKOT SA ATING PAMAHALAAN DU30. DAPAT FIRING SQUAD SA LUNETA PAG MAY NAHULI. PAGING BARANGAY TUMANA, MARIKINA: PAGKAKAIN ANG KAILANGAN NG TAO HINDI TAMBAK NG BASURA. SANA MAHAKOT NA ITO. – MATANG KALYE