Advertisers
MASUSING iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang lalaking Koreano na ‘diumano’y tumalon sa isang gusali sa Malate, Maynila.
Tinatayang nasa edad 20 anyos pataas ang biktima.
Ayon kay Barangay Ex-O Guillermo Leopardas, Jr. ng Barangay 698, pasado 7:00 ng umaga ng Miyerkules nang itawag sa kanila ang insidente. Tumawag naman siya sa pulisya upang maimbestigahan ang nangyari sa biktima.
Sa pagtatanong kay Major Edwin Fuggan, PCP commander ng Remedios Circle, posible aniya na suicide ang nangyari dahil ang biktima ay nakitang umakyat sa rooftop mula sa tinutuluyan nitong unit sa ikalimang palapag ng isang hotel sa Malate.
Posible umanong malaki ang problema nito sa pera at hindi rin iniaalis na posibleng nalulong sa sugal sa casino kaya ito nagpakamatay. (Jocelyn Domenden)