Advertisers

Advertisers

TRAPIKKKK!

0 8

Advertisers

NANINIWALA ako na dahil sa dami na ng mga sasakyan ngayon, ay talagang pabigat nang pabigat ang trapik, di lamang dito sa atin sa Metro Manila kung di sa mga karatig probinsiya.

Di nga lamang diyan, maging sa Metro Cebu, CALABARZON atbp. lugar, talagang palala na nang palala ang trapik. Ano ang solusyon?

Si Pangulong Bong Bong Marcos ay sumali na rin sa pag-iisip ng solusyon. Sa kanyang huling vlog nitong Linggo, sabi ni PBBM kailangan nating mga Filipino partikular na ang lahat ng gumagamit ng mga kalsada, ay pairalin ang “disiplina.”



Parang ang karamihan daw sa atin ay mauubusan ng daraanan sa tuwing nagmamaneho at gumagamit ng kalsada.

“What we Filipinos lack the most on the road is discipline. We should adhere to traffic rules,” ang binitawang puna ni PBBM.



Tama naman si PBBM sa kanyang obserbasyon. Marami sa ating mga nagmamaneho ay wala ng “disiplina.” Tila mauuubusan pa ng kalsada. Siksik dito, harang duon, nguso dito, nguso doon. Di na alintana ang batas o kurtisiya man lamang sa pagmamaneho.

Sa kanya pa rin ngang vlog, inihayag ni PBBM ang planong i-develop ang mga kalapit na probinsya at siyudad. Ibig sabihin, mga dagdag kalsada o’ improvement sa mga daraanan ang iba. Binanggit pa nga niya ang mga ito ay mangyayari sa mga lugar ng Bulacan, Pampanga, Cavite, at Laguna.



Pero sabi rin ng Pangulo, wala rin mangyayari kahit matapos ang mga road projects na ito, kung ang ating mga driver ay di pa rin makasunod sa simpleng batas trapiko.

Bale wala nga naman, ang mga bagong kalsada kung lahat tayo ay “kamote” sa pagmamaneho. Kung wala tayong disiplina.

“It won’t matter if our roads are new if our attitude does not change,” sabi pa ni PBBM.

“Traffic ang isa sa pinakamatinding problema natin dito sa bansa. Nakakalungkot man ay isa na itong bahagi ng pamumuhay ng bawat Pilipino at tanyag na notorious na sa buong mundo ang traffic dito sa Pilipinas,” dagdag pa ng Pangulo.

Di ba man lang tayo mahiya sa ganyang pahayag at obserbasyon pa ng Pangulo. Kung sabagay, ang iba sa atin, ay di man lamang nga mahiya kahit sa kanilang mga sarili.