Advertisers
Ni BETH GELENA
PAGBUBULGAR ni Paulo Avelino, nais din niyang makatrabaho ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo.
Like Kim Chiu, ibig niyang makatrabaho ang aktres
Aniya, “Baka maging bagay ako sa mga proyektong gagawin niya.”
Natanong ang actor nang nagpo-promote siya ng pelikula niyang malapit nang ipalabas.
Sino pa sa mga leading ladies ngayon ang nais umano niyang makatrabaho sa big screen? May mga sumagot na si Kim Chiu na narinig ng aktor.
“Si Kim na naman? Why not? Gusto ko naman siya katrabaho,” agad na naisagot ni Paulo.
Subalit ayon kay Paulo, bukod kay Kim, nais din niyang makatrabaho si Kathryn sa pelikula.
Wika niya, “Si Kathryn, she is trying to transition into more mature roles baka maging bagay ako sa mga proyektong gagawin niya in the future.”
Si Paulo ay magkasunod na nakatrabaho si Chinita Princess, una ang Linlang na naging trending sa social media platforms dahil sa Viu ito unang napanood last year at dinala sa free TV this year.
Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang kanilang kakaibang karakter bilang si Juliana (Kim) at Paulo (Victor/Bangis.)
Nagkaroon agad ng fandom ang dalawa called Kim-Pau kaya agad na nasundan ang kanilang tandem, ang What’s Wrong With Secretary Kim na napapanood sa Viu.
Ang kapareha ni Paulo sa pelikula na si Kylie Verzosa ay umaming fan siya ng KimPau.
Kinikilig umano siya sa mga eksena ng seryeng What’s wrong with Secretary Kim.
***
MAY mga espekulasyon, hiwalay na umano si KC Concepcion at ang Swiss boyfriend na si Mike Wuethrich.
Birthday ni KC last April 7 at post niya sa IG: “Love is in the details.”
Ang daming bumati sa Mega daughter na celebrities and friends.
Pero may hinahanap ang mga netizens/supporters sa comment sections ng account ng TV host/actress/entrepreneur, ang pagbati ng boyfriend na si Mike.
May nag-comment, “ay salamat nag like si @wanderingwatches meaning sila pa rin ni @kristinaconcepcion. Thank God cause i love you both together. Sana kayo na forever!”
To make sure, nagtanong ang isang netizen, “nakita mo myday ni swiss?”
“Hindi po”
“Ano meron sa myday ni swiss?” tanong naman ng isa.
“Wala naman something sa myday niya”
“Yes and sounded they broke up… eventually deleted it”
“Ay ganun? Ano pala my day story niya dko kasi nakita”
“That he hopes KC will find what she’s looking for”
“Omg! how sad naman. Deleted na siya kaya d na ma view”
“Sayang na sayang if ganun nga nangyari. Akala ko siya na @wanderingwatches ni @kristinaconcepcion”
Reaksyon naman ng ibang netizens: “Ayos lang. Di sila bagay. The guy is bleep bleep bleep”
“nakailang boyfriend na ba si kc? walang nagtatagal na bf, Baka sa kanya ang problema.”
“Ngeh ganun ba un or simply because she won’t settle for anything less she thinks she dasurb?!?! Not every woman settles. Some have standards. So if she thinks she deserves something more, why not find it”
“So what kung “nakailan “? Kesa you got married then Hindi pala kayo compatible. That is very smart to end it if you feel it’s not working out anymore . Ang lakas maka boomer mindset yang “Baka sa kanya ang problema lol”
“She’s rich and independent, she doesnt really need a man.”
“Di sila bagay..Good if they broke up”
“Parang nega ang datingan ni guy, wlang sparks sa kanilang dalawa, ok na nag break kesa kung kelan kasal, at magaya sya sa nanay nya”
“Guy is a walking red flag emojis!!! We called it from the very beginning pero walang gustong maniwala. If break na sila, KC dodged a bullet. If hindi pa, gising, KC!!!”
“It’s tough to make things work when your family disapproves and you’re close to your family. She seems like a nice person. I hope she finds a partner if that’s what she wants.
Also, these commenters are SO embarrassing. Tinag pa si guy”
Pumasok naman ang name ng Fil-Am singer, “Apl de Ap, may chance ka ulit”
“Pang private lang niya si Apple and she can’t flaunt him”
“Gusto ko how KC rule her own life. Kung di oobraang relationship, move on. Kahit mag count ka ng bfs kung wla naman s kanila hinahanap mo, okay lang. Don’t let society and NEGAtizens dictates you have to settle down because you’re aging.”
“Sila talaga ni Richard Gutierez ang bet ko magkatuluyan. May jewel mische kase that time kaya hindi naging totoo. Sayang.”
“I have a feeling, she will end up with Apl d ap. It seem the guy is patiently waiting for her.”
“ANO BA HINAHANAP MO KC BAKA ENDING BAGSAK MO KE AP?”
“Bakit anong problema mo kay Apl?! Racist ka lang”
“KC is Pinay version of Taylor Swift
But i like it”
***
SEN. BONG WALANG BALAK TUMAKBO SA MATAAS NA POSISYON; ANDREA NAPIPISIL SA ALYAS POGI 4
SA isang panayam kay Senator Bong Revilla ay naikwento niya ang pagbabalik niya sa big screen.
Aniya, may napili na siyang comeback movie, ang Alyas Pogi 4.
Matagal na ring hindi napapanood sa big screen ang butihing senador.
Excited ang senador habang nakikipagtsikahan sa PMPC (members and officers ng club).
Lahad niya, handang-handa na ang Imus Productions sa kanyang pagbabalik-pelikula na ang magdidirek ay si Dondon Santos.
Bakit Alyas Pogi ang naisip niya sa pagbabalik pelikula?
“Dahil ‘yan ‘yung commitment ko pa before, ‘di ba? Noon ko pa sinasabing gagawin ko ‘yun pero hindi ko magawa-gawa. Before (2022) elections pa. Kaya ngayon, gagawin ko na.”
“Maraming requests, eh. Sabi nila, ‘gawin mo ‘yung Alyas Pogi. Kasi naka-1, 2, 3 na tayo do’n, so, pang-apat na ‘to,” patuloy ng aktor/pulitiko.
Tamang-tama raw na malapit nang matapos ang TV series niyang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 kaya time-out daw muna siya sa TV para matutukan niya ang gagawing pelikula.
Gustuhin man daw kasi niyang magkaroon ng Season 3 ang nasabing serye ay alanganin na dahil eleksyon na next year.
Klaro na kasing muling tatakbo bilang senador si Sen. Bong.
Natanong tuloy namin, kung tatakbo siya in a higher position sa susunod na eleksyon.
Aniya, “hindi. Okey na ako dito sa posisyon ko.”
Very proud siyang may mga batas na siyang naipasa.
Isa na roon ang Chalk Law na para sa mga teachers.
Maging ang pagbaba ng edad sa senior netizens sa edad 80, 85, 90 at 95 ay mabibigyan ng P10K incentives at P100K na pagdating ng 100 years old.
Ang nasabing laws ay implemented na.
In-assure ni Sen. Bong na malaking proyekto ang Alyas Pogi 4 at buo na ang story pati na ang casting. Balak daw niya itong isali sa Metro Manila Film Festival 2024.
Hindi niya binanggit kung sino ang kanyang leading lady.
Pero may sitsit kaming nahagip na pangalan ni Andrea Brillantes ang lumalabas.
Natanong din namin si Sen. Bong kung tuloy pa rin ba ang pelikulang pagsasamahan nila nina Coco Martin, Sen. Robin Padilla and Sen. Lito Lapid.
Esplika niya, parang matutuloy naman daw pero uunahin muna niya ang Alyas Pogi 4.
Sigurado raw kasing madugo ang pelikula nilang apat kaya dapat na paghandaang mabuti.