Advertisers
ILULUNSAD ng Philippine Athletic Track and Field Association ang ICTSI Philippine Athletics Championship simula sa Mayo 8 hanggang 12, sa Philsports Track and Field sa Pasig City.
Ang dating tinatawag na Philippine National Open, ay hinati sa tatlong kategorya Elite Open Men and Women 20-year old pataas, U20 Boys and Girls, U-18 Boys and Girls.
Sinabi ni Reli de Leon, special assistant ni PATAFA president Terry Capistrano, na ang event ay nakarehistro sa ilalim ng category B sa global calendar ng World Athletics at nagsilbing qualifying tournament para sa paparating na 2024 Paris Olympics.
Kasama ni De Leon sina PATAFA secretary general Jasper Tanhueco at National coach Jeoffrey Chua sa Tuesday session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Media Forum sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Ang kaganapan ay bukas sa publiko at inaasahang makakaakit ng humigit-kumulang 700 lokal at dayuhang mga atleta mula sa Hongkong, Singapore, Malaysia, Thailand, at iba pang mga dayuhang club na nakumpirma na ang pagpaparehistro. Bukod pa rito, sasabak din ang mga Fil-heritage athletes mula sa Japan, Guam, at USA. Ang deadline ng pagpaparehistro ay Abril 30, 2024.