Advertisers

Advertisers

BFAR Chief Escolto nasampulan sa anti- corruption ni PBBM

0 4,792

Advertisers

SERYOSO ang administrasyon ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagwalis sa mga tulisang opisyal ng pamahalaan.

Isa sa mga nasampolan ay itong national director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na si Demosthenes R. Escoto.

Oo! Kamakailan lamang ay iniutos ng Office of the Ombudsman ang pagsipa kay Escoto dahil sa pagkakasangkot nito sa maanomalyang pag-award ng P2-BILLION contract para sa Vessel Monitoring System (VMS) Project noong 2018, termino ni ex-President Rody Duterte.



Sinabi ni Ombudsman Samuel R. Martires, ‘guilty’ ang BFAR chief sa ‘grave misconduct’. Araguy!!!

Nag-ugat ang administrative case laban kay Escoto sa mga maling aksiyon niya habang siya’y chairman ng Bids and Awards Committee (BAC) ng BFAR.



Ayon sa anti-graft body, nauwi ang mga maling desisyon ni Escoto, bilang pinuno ng BAC, sa pag-award ng paborableng kontrata sa SRT Marine Systems Solutions Ltd. (SRT) na nakabase sa United Kingdom.

Ang SRT-UK ang magsusuplay ng teknolohiya at mga kagamitan (tulad ng VMS transmitters) para sa Phase 1 ng Marine Environment Monitoring System Project o PHILO Project.



Layon ng PHILO Project na maprotektahan ang exclusive economic zone ng bansa kontra illegal fishing sa pamamagitan ng paglalagay ng VMS sa malalaking commercial fishing vessels para mamatyagan ang mga ito.

Ang PHILO Project ay inisyal na popondohan ng P1.6 billion sa pamamagitan ng pag-utang sa pamahalaan ng France kung kaya dapat ay French o may ka-joint venture na isang French company ang sinomang bidder.

Nauna nang nakuha ng SRT-France ang kontrata noong 2017 subalit hindi ito kinilala ng France dahil British naman pala ang may-ari ng kompanya.

Natuklasan din na isang buwan palang na naitatayo ang SRT-France at wala itong mga pasilidad sa France kung kaya kumalas na lamang sa loan agreement ang French government.

Kasalanan talaga ito ni Escoto dahil bilang BAC chairman ay dapat mahigpit niyang binabantayan ang mga requirement at qualifications, pero bakit nalusutan siya?

Ang nakakagulat pa, noong 2018 o nang sumunod na taon ay ang SRT-UK naman ang nanalong bidder at itinaas pa ang budget ng proyekto sa P2.09 billion na locally-funded na. ‘Di ba nakakapanghinayang ang loan commitment ng France? Imbes na ibang bansa sana ang gagastos, tayo na tuloy ngayon!

Sinabi ng Ombudsman, malinaw na ginamit ni Escoto ang pagiging BAC chairman nito upang mapaboran sa pagkopo ng proyekto ang SRT-France at SRT-UK.

Lumitaw rin na ipinilit ni Escoto na umorder ng 5,000 units ng VMS transreceivers kahit 3,736 lang naman ang kailangan.

Si Escoto, sa pagkakaalala natin, ay “bata-bata” ni Digong, at sinasabi na siya ring may pakana ng pekeng galunggong shortage dati. Mismo!

Pero si Escoto lang ba ang dapat habulin sa maanomalyang proyekto? How about his immediate “boss” that time???