Advertisers
GUD AM, SIR/MAAM. PWEDE KAMI MAKAHINGE NG 2LONG SA INYO. KUNG MAAARI PO SANA PAIMBESTIGAHAN DIN ANG AMING ALLOWANCE NA MGA CAFGU. KASI NADE-DELAY NG DALAWANG BUWAN ANG AMING ALLOWANCE AT MAY KINUKU-HA PA SILANG DEDUCTION SA AMING ALLOWANCE. BAKIT GANYAN PO? SANA MAKARATING DIN KAY PDU30 NA GANYAN AT KUNG MAAARI PO SANA GAWING ATM NALANG ANG AMING ALLOWANCE PARA WALA SILANG MAKUKUHA SA AMING ALLOWANCE. NALILITO NA KAMI NA MGA CAFGU. – CAFGU
Panawagan kay P.B. Benito ng Bgy. 345, Manila
GOOD PM PO. REKLAMO LANG PO NAMIN KAY P. B. IRENE BENITO NG BRGY. 345 Z.-35 ANG L300 NA LUMA, MAY PLAKANG USY 168, NA NAKAPARADA SA GILID NG MALICDEN. ARAW2 NAKATAMBAY D2 SASAKYAN NA YAN, HALOS MAGHAPON. KUMPANYA BA NG BAKAL ‘TO? LAGI NAKATAGO SA BATANGAS ST., MARIA NATIVIDAD. CHAIRMAN, PAKIAKSYONAN NAMAN. NATATAKOT IBANG KABATAAN NA DUMADAAN, NAKAKATAKOT MGA PAHINANTE. SALAMAT PO. – CONCERNED CITIZEN
Trabaho para kay Major Ibay ng Manila SMART: Mga tulak sa Bgy. 118, Manila
Gandang araw po. Report ko lang po itong c alyas Ismael. Mataba yan. Kasama nya sina alyas Tisoy at alyas Hapon. Sila ang mga nagpapaligsahan dito sa Kalamansi st., Bgy. 118, Tondo, Manila, sa pagbebenta ng shabu. Akala mo kendi lang kung magbenta sila dyan. Hindi sila makalantad ng Garcia st. kc kabilaan ang CCTV kaya dun sila sa loob ng Kalamansi nagbe2nta, kanto ng Garcia st. Sana mahuli na sila kc eyesore sila dito sa lugar namin. Hindi mga taga dito yan kaya malalakas ang loob! Sana maaksiyunan ito ni Major Jun Ibay ng SMART. – Concerned citizen
SAP 2 ibigay nyo na sa taga-Bgy. Tumana, Marikina City
MUNTING TULONG NA NAGMULA SA PUSONG MAY PANG-UNAWA SA KAPWA. SYA NGA PALA SECRETARY NG DSWD. KAILANGAN IBIGAY NYO NA ANG PANGALAWANG BUGSO NG SAP (SOCIAL AMELIORATION PROGRAM) SA MGA TAGA- BARANGAY TUMANA. DI NYO NAMAN PERA YAN, PARA SA KAPUS NA MAMAMAYAN YAN, BIGAY NG ATING GOBYERNONG PDU30. SAP PARA SA MAHIHIRAP, HINDI BASURA. BANGON MARIKINA! – MATA NG LANSANGAN