Advertisers

Advertisers

INTEGRATED FLOOD CONTROL PROGRAMS ISINUSULONG NI PBBM

0 65

Advertisers

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na isama sa iba pang sektor ang kanilang flood control management programs para sa epektibong water management at conservation.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na sa ganitong paraan, ang tubig na kanilang pinamamahalaan sa flood control ay hindi direktang natatapon o napupunta sa dagat dahil maaari pa itong magamit sa irigasyon, water supply at paglikha ng kuryente.

Aniya, bagama’t nagpapatupad na ang DPWH ng ilang flood control projects, kailangan pa ring mapalakas ang pagbuo ng iba pang mga istraktura para sa irigasyon, water supply at power generation lalo pa’t tumataas ang multi-year budget ng departamento sa flood control program.



Inihalimbawa naman ni Bonoan ang total budget ng ahensya ngayong 2024 kapwa para sa foreign-assisted at locally funded flood control projects na nasa P300 bilyon na aniya’y magandang source para sa integrated water resource management program para sa irrigation, water supply at power generation na binanggit ni Pangulong Marcos.

Una rito, binigyang diin ni PBBM sa ginanap na sectoral meeting ang kahalagahan ng integrated water resource masterplan at epektibong pamamahala ng water resources sa gitna ng umiiral na El Niño at napipintong pagpasok ng La Niña.



Matatandaang nilagdaan ng Pangulo ang isang executive order noong Abril ng nakaraang taon para sa pagbuo ng Water Management Office (WMO) ng DENR. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">