Advertisers
Nagbunga ang pagsisikap ng dating photographer na si Ross Hernandez nang maluklok ang panganay na anak bilang isang mambabatas sa bansang New Zealand na si Francisco Bagkus Hernandez.
Siya ang kaunaunahan Pilipino na nahalal bilang mambabatas sa bansang Kiwi na miyembro ng Green Party.
Ang Pilipinong politician na nunumpa bilang mambabatas nitong May 7, 2024 kay New zealand House Speaker Gerry Brownlee na sinaksihan ng mga mambabatas sa bansa.
Nakuha nito ang indorso ng Green Party nang magbitiw si MP James Shaw dahilan sa paglipat sa pribadong tanggapan.
Naging kaunaunahan Pilipino na Press ng Student council sa University of Otago sa bansang new Zealand.
Namasukan rin siya bilang chief advisor kay MP Denise Roach noong 2015 hanngang 2016.
Isa siya na may pinakamataas na rating sa partido ng Green party kaya siya ang may hawak na pinakamataas na rating ng partido.
Ang 33-anyos na binata na si Francisco B.Hernadez Maglilingkod siya sa administrasyon ni Prime Minister Christopher Luxon ng new zealand.(Arnel D. Petil)