Advertisers

Advertisers

‘BADING’ NA BGY. CHAIR MINOLESTIYA ANG TANOD

0 67

Advertisers

NAHAHARAP sa patong patong na kaso ang isang barangay chairman nang tangkain nito pagsamantalahan ang isang barangay tanod sa GMA, Cavite nitong Linggo.

Pinaghahanap ng pulisya ang tserman na kinilala sa alias “Kap. Ugay” ng Brgy. Poblacion 5, GMA.
Kinilala ang biktima sa alias “Philip”, tanod ng Brgy Poblacion 5.

Sa report, 12:17 ng tanghali nang maganap ang insidente sa barangay hall ng Brgy Poblacion 5.

Nabatid na ipinatawag ni Kap Ungay ang biktima sa barangay hall dahil mayroon umano pag-uusapan kaugnay ng trabaho nito bilang barangay tanod.

Nang dumating ang biktima, hinawakan ng tserman ang puwet nito habang patungo sa barangay hall. Pagpasok ng brgy. hall, ini-lock ng opisyal ang pintuan at bigla nito hinawakan sa leeg at balakan ang tanod at pinaghahalikan sa labi.

Sa kabila ng pagpupumiglas ng tanod, tinangka ng tserman na hawakan ang kanyang ari pero nakakawala ang una.

Agad lumabas ng barangay hall ang biktima at nagtungo sa bahay ng kanyang tiyahin upang ipagbigay-alam ang insidente

Nagtungo sa himpilang ng pulisya ang biktima at tiyahin nito upang magharap ng reklamo laban sa nasabing barangay chairman.(Mark Obleada)