Advertisers
SA layuning maibaba ang mataas na presyo ng bigas sa mga pamilihan, inaprubahan na ng House Committee on Agriculture ang panukalang maam-yendahan ang Rice Tariffication Law (RTL) sa bansa.
Ito ayon kay Quezon Representative Mark Enverga, chairman ng komite, ang pag-apruba ng RTL ay batay narin sa ginawang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na kanyang sesertipikahan bilang urgent ang inihaing pag-amyenda ng nasabing panukala.
Kasabay nito, pinasalamatan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang komite matapos ang agarang pag- apruba ng hakbang sa pinakamabilis na panahon.
“It is important that we provide our people, especially the poor, access to rice that is much cheaper than market prices,” saad ni Speaker Romualdez.
Katwiran ng lider ng Kamara, nararapat lamang na magkaroon paraan upang maibalik ang mandato sa National Food Authority (NFA) upang hindi lamang na bumili ng palay mula sa mga magsasaka kundi para rin na makapagbenta nito direkta sa mga konsyumer.
Nauna nang sinabi ng Speaker na tinatayang bababa ang presyo ng bigas mula P10 hanggang P15 kada kilo. (Henry Padilla)