Advertisers

Advertisers

TSINA PINONDOHAN ANG DESTAB KAY BBM

0 99

Advertisers

HUWAG magmaang-maangan si Gongdi at mga kasabwat sa madugong war on drugs nila noong sila ang nasa poder. Mayroon silang destablization campaign sa kasalukuyan upang yugyugin ang gobyerno ni BBM, pahinain ito, at ilagay sa panguluhan si Sara. Sabwatan ito ng mga taong nagpapanggap na mga kaibigan ng gobyerno.

Huwag silang mag-akalang hindi alam ng gobyerno BBM na pinopondohan ng Tsina ang destab campaign ni Gongdi. Huwag silang magsinungaling na hindi nagbuhos ng malaking halaga ang Peking para pabagsakin si BBM. Mas lalong huwag silang mag-akala na hindi lalaban si BBM na sa tingin ni Gongdi ay “senyorito” at “laki sa layaw.”

Huwag silang mag-isip na hindi gaganti si BBM. Alam ni BBM ang kanilang bawat galaw. Alam na alam. Sa nakaraang forum sa Saturday News Forum, pinatotohanan ni Jonathan Malaya, deputy secretary general ng National Security Council (NSC), ang destab campaign ni Gongdi dahil ito ang paraan upang iginiit ng Tsina na pahinain ang panalo ng Filipino sa UNCLOS noong 2016 and ariin ang halos kabuuan ng South China Sea.



Alam ni BBM ang kataksilan ni Gongdi sa bansa. Salat ni BBM kung paano papalo ang formal investigation ng International Criminal Court sa asunto ni Gongdi na crimes against humanity dahil sa malawakang patayan at EJKs kaugnay sa war on drugs ni Gongdi noong siya ang maging pangulo noong 2016.

Sa isang pulong balitaan noong Martes, sinabi ni Sonny Trillanes, kabilang ang may mga senior police officials ng PNP sa nagbabalak na pabagsakin si BBM sa poder upang maupo si Sara. Malaking bahagi ng pag-uga sa kasalukuyang gobyerno, o destabilization campaign, ang pag-iwas ni Gongdi at mga kasapakat sa International Criminal Court (ICC) . Ayon kay Trillanes, maaari silang dakpin ng ICC sa Hunyo o Hulyo. Mukhang ibibigay ni BBM silang maysala sa ICC, aniya.



Ayon kay Trillanes, maaring mauunang dakpin ng ICC si Gongdi at itatakda sa ibang araw sina Bato, Bong Go, at iba pang opisyales ng PNP na sangkot sa giyera kontra droga ni Gongdi. Maaaring isali si Sara – “anytime soon.”

May mga opisyales ng PNP ang babaligtad upang idiin si Gongdi. Ikakatwiran nila na napilitan sila na sumusunod sa order ni Gongdi kahit batid nila na “illegal order.” Sa ngayon, ikinahon na ni BBM ang mga opisyales ng PNP na sangkot sa war on drug ni Gongdi. Hindi na sila binigyan ng posisyon sa PNP. Pinagretiro na ang iba.



Hindi pinangalanan ni Trillanes ang mga opisyales ng PNP at AFP na sangkot sa pagyugyog sa gobyerno ni BBM. Ngunit sa isang tanaw, kilala silang lahat ni BBM. Sila ang “mga pinapakain ng pera” ni Gongdi, ani Trillanes. Hindi pinangalanan ni Trillanes ang mga sangkot na retiradong opisyal ng PNP at AFP sa tangkang pabagsakin ang gobyerno.

Hindi kinakabahan ang gobyerno sa kanila dahil wala silang tao at poder. Hindi sa kanila ang katapatan ng PNP at AFP. Sa tingin ni BBM, hangad ng mga dating opisyales na mamera lang sa destab campaign. Kahit sila ay hindi seryoso.
***
SA GITNA ng destabilization campaign kung saan sangkot ang pamilya ni Gongdi, marapat na magbitiw si Sara. Huwag niyang hintayin na sibakin siya ni BBM dahil mas nakakahiya ito sa international community. Pinakamaganda na umiwas siya sa gulo.

Hindi siya kailangan ni BBM. Wala silbi si Dara sa gobyerno. Wala siyang iaambag dahil mahina ang kanyang liderato tulad ng kanyang ama. Hindi siya sanay sumagupa sa malaking trabaho ng burukrasya. Pang city hall lang si Sara. Hindi niya kayang patakbuhin ang malaking burukrasya tulad ng Deped. Wala siyang alam.

Pinakamaganda na ayusin na lang ni Sara ang depensa ng kanyang pamilya sa pagsisiyasat ng ICC. Hindi marunong si Sara sa international law at hindi alam kung ano ang kayang itutulong. Moral support? Ito na na marahil kung hindi siya madadawit. Minsan siyang tinawag ni SPO4 Arturo Lascanas na “mother of tokwang” sa isang panayam.
***
SAMANTALA, sinabi ni House Assistant Majority Leader ng Zambales 1st district Rep. Jay Khonghun, isang Chinoy, na nakialam si BBM sa pagsuspindi ni Gongdi ng “peace rally” sa Bulacan. Hindi ito totoo at mas mabuting huwag nang guluhin ni Gongdi ang gobyerno, ani Khongsun. Walang political harassment si BBM at hinahayaan lang ang kanyang mga kritiko.

“Even if we rewind it from the time President Marcos ran his campaign in 2022, he was even singled out among the candidates for not attending debates and the like, but he just went on and let his critics be, he just let them do what they think was right for them,” ani Khongsun.

“How much more now that he is already President? It’s the last thing his administration needs – political polarization. Remember, he and now Vice President Sara Duterte even ran on the theme of unity, which they coined as UniTeam,” aniya.

Hindi nagklik ang “Maisug Peace Rally” o “Brave Peace Rally” sa bayan ng Bustos sa Bulacan. Kinansela ang ibang peace rally sa Palompon, Southern Leyte at Lambunao, Iloilo. Hindi naorganisa ang mga rally doon dahil tumanggi ang mga dating organizer.

“Every administration has its own share of hits and misses, and perhaps this government is no exception. But to say that the national government is engaged in harassment is simply unfair,” ani Khonghun.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Not exactly a ringing endorsement no? Sinabihan pang kung saan-saan pumupunta ang bunganga. Kanino kaya mana? Tapos magtiwala kay Bato? E basag siya kay Maria kahapon. Wala namang impormasyon na lumabas kahapon. Puro pa-pogi na lang.” – Jojo Clemente, netizen, kritiko

“Let us convict Rodrigo Duterte in the court of public opinion. That conviction should extend to all of his children. No Duterte – no traitors for that matter — should ever be elected to public office again.” – Ellen Tordesillas, netizen, mamamahayag

“Investigating unverified leaked information but not a confirmed top-level backdoor agreement that impacts public interest, national security, and sovereignty? What clowns.” – Lynda Jumilla-Abalos, netizen, mamamahayag

***

Email:bootsfra@gmail.com