Advertisers

Advertisers

2 pulis sa pagpatay sa police captain positibo sa paraffin test

0 60

Advertisers

NAGPOSITIBO sa “paraffin test” ang 2 pulis na bumaril at nakapatay kay Captain Rolando Moralde nang sitahin niya ang isang lalaking may nakasubit na baril sa bewang sa public market ng Parang, Maguindanao noong Mayo 2, 2024.

Ayon kay Philippine National Police Chief, General Rommel Francisco Marbil, nagpositibo sa paraffin test ang 2 pulis na kabilang sa 5 salarin na naunang nang sumuko matapos ang pamamaril kay Moralde.

Nakilala ang dalawang pulis na sina Master Sergeants Aladdin Ramalan at Shariff Macarongon.



Tiniyak ni Marbil na masisisibak sa serbisyo ang 2 pulis at papanagutin sa batas.

Sinabi ni Marbil na patuloy ang isinagawang imbetigasyon at pagtugis ng mga otoridad laban sa tatlo pang salarin na pawang magkakamag-anak.



Pinagkalooban nina Marbil at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Jr. ng ‘Medalya ng Kadakilaan’ at posthumous promotion si Moralde.

Nagpaabot narin ng tulong pinasyal sina Marbil at Abalos sa pamilya ng biktima mula sa President special fund.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">