Advertisers

Advertisers

BI nagpatupad ng dress code adjustment sa mga empleyado dahil sa extreme PH heat

0 46

Advertisers

NAGPATUPAD ang Bureau of Immigration (BI) ng dress code adjustment sa gitna ng umiiral na sobrang init ng temperatura na nararanasan ng bansa.

Sa isang memorandum ng administrative division ng BI, inanunsyo nito na ang lahat ng kawani ay maari ng magsuot ng smart casual uniform simula May 7 hanggang May 31, maliban na lamang kung Lunes kung saan kailangan na complete uniform ang suot.

Exempted sa nasabing memorandum ay ang mga kawani na nasa ilalim ng civil security unit at mga nakatalaga sa international ports of entry and exit.



Ang hakbang ay dahil na rin sa nararanasang matinding init ng temperatura sa bansa, kung saan may mga lugar pa na itinuturing ang PAGASA na ‘dangerous’ heat index ang classification.

Nauna rito, ay pinayagang ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga kawani ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP) na magsuot ng light uniforms habang naka-duty dahil sa sobrang init.



Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang kaligtasan ng mga kawani sa panahon ng extreme weather condition ang higit na mahalaga kaya isinagawa ang dress code adjustment.

Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat upang maiwasan ang heat exhaustion at heat stroke. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">