Advertisers

Advertisers

80-anyos Batangas Gob. ikinasal sa 50-anyos abogada

0 9

Advertisers

IKINASAL ang 80-anyos na gobernador ng Batangas na si Hermilando “Dodo” Mandanas sa 50-anyos na abogadang si Angelica Chua nitong Miyerkoles.

Ginanap ang kasal sa Basilica of the Immaculate Conception, Miyerkoles ng hapon, May 8, na naka-live streaming sa Facebook page ng PIO ng Batangas.

Kabilang sa mga bisita sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at First Lady Liza Marcos.



Ang reception ay ginanap sa harap ng provincial capitol.

Nabiyudo si Mandanas noong 2022 nang bawian ng buhay ang kanyang misis na si Anakalusugan party list Rep. Regina Reyes Mandanas.



Nitong nakaraang Abril, inanunsyo ni Mandanas sa flag ceremony ng provincial capitol na magpapakasal siyang muli.

Nagsimula mag-date ang mag-asawa ngayong taon, wala pang dalawang taon nang mamatay ang asawa ni Mandanas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">