Advertisers
Nasumpungan ni Pepeng Kirat ang pickleball women’s doubles match sa pagitan ng Ateneo de Manila at De La Salle Taft sa One Ayala Terminal.
Nag-enjoy siyang saksihan ang game na para daw tennis at table tennis.
Mainam daw at nadaan siya doon noong Sabado sa oras ng laban ng mahigpit na magkaribal na unibersidad.
“ Naaliw ako ng husto sa panonood, “wika ni Pepe.Ang pickleball ay naimbento sa Bambridge Island sa Washington sa Estados Unidos taong 1965. Noong 2022 itinalaga na itong official sport ng naturang state.
Mabuti may ganitong proyekto sa atin ang Pickleball Federation of the Philippines at Ayala Malls upang ilapit ang game sa masa.
Sana gawin din ito ng speak takraw at iba para maging popular sa madla.
Nawa’y mabigyan din sila ng exposure sa telebisyon.
Ito na ang tamang panahon ngayong naghahanap ang mga Pinoy ng pamalit sa PBA na pinagsawaan na.Eka nga ay pik-pak boom ang pickleball.
***
Official head coach ng Meralco Bolts si Luigi Trillo pero active consultant si Nenad Vucinic.
Ang Serbian-New Zealander ay mentor na noon sandali ng Gilas at binigyan ngayon ng oportunidad sa pro rank.
Kita naman sa TV coverage na si Vucinic ang nagsasalita sa huddle nguni’t sa press con ay si Trillo ang humarap.Palusot time na naman sa PBA.
***
Punong-puno ang mga venue ng pa-volleyball ng UAAP noong Sabado at ng PVL noong Linggo.
Tingnan natin sa semis at Finals din ng PBA kung kasing dami ang crowd.
***
Best of three na lang serye ng Minnessota at Denver sa 2nd round.Nakabawi kasi ang Nuggets sa Game 3 at 4.Puro road team ang panalo sa bawa”t laban.Ano kaya magaganap sa ikalimang laro?