Advertisers
MAKAKAHARAP ng walang talo na si Eumir Felix Marcial ang lokal contender Omar Ulises Huerta sa Setyembre 19 sa Pechanga Arena sa San Diego, California. Ang 10-round middleweight na laban ay bahagi ng undercard para sa main event nina Isaac “Pitbull” Cruz vs. Nestor Bravo.
Kinumpirma ng international dealmaker na si Sean Gibbons Martes na ang World Boxing Council (WBC) middleweight international belt ni Marcial — at marahil isa pang bakanteng regional title — ay nakataya.
“This is going to be the most important fight in his eighth professional career bout, as he was never seen in USA television before. Everybody will be watching him closely so he must look absolutely good. It is going to be a big moment,” wika ni Gibbons.
Ipapalabas ng DAZN Worldwide at TNT ang laban ni Marcial sa Estados Unidos sa unang pagkakataon, kasunod ng WBC super lightweight championship na laban nina Cruz at Bravo, na inorganisa ng Premier Boxing Champions (PBC).
Hawak ni Marcial ang 7-0 record at 4 na knockouts.Ang kanyang huling professional fight ay majority decision victory laban kay Eddy Colmenares ng Venezuela 10 buwan ang nakaraan sa Araneta Colesium.
Nakuha rin niya ang nag-iisang gintong medalya sa boksing para sa Pilipinas sa 2025 Bangkok Southeast Asian Games.
Ang taga-San Diego na si Huerta ay papasok sa laban na may record na 15-1-1, kasama na ang 13 knockout.