Advertisers

Advertisers

Engineer timbog sa ‘P5m extortion’

0 22

Advertisers

ARESTADO ang isang engineer sa ikinasang entrapment operation sa pangingikil ng aabot sa P5 milyon sa isang insurance agent sa Quezon City, Huwebes ng hapon.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD),

Kinilala ang suspek na si Guadalou Davis Dela Fuente, 58 anyos, civil engineer, ng Bida Sari St., Barangay Greater Lagro, Quezon City.



Batay sa imbestigasyon ni Corporal Jojo Antonio ng QCPD-CIDU, nag-invest ang mga biktimang sina Lea Galban Cardeno, 59, insurance agent; at Emylu Calvario Gimeno, 60; ng P13 milyon sa suspek para sa construction materials.

Pero nang hingan ng mga biktima ng update ang suspek sa kanilang investment, wala itong sinabi, at sa halip pinagbantaan pa sila nito na hindi ibabalik ang kanilang pera kung hindi magbibigay ng P5 milyon.



Dahil dito, nagsumbong ang mga biktima sa Pasong Putik Police Station 16 ng QCPD na pinamumunuan ni Lt. Colonel Reynante Parlade, at CIDU chief Major Don Don Llapitan, na agad namang nagkasa ng entrapment operation sa loob ng isang fastfood chain sa Quirino Highway, Brgy. Greater Lagro, at nagresulta ng pagkakadakip sa suspek.

Inihahanda na ang kasong ‘robbery extortion’ laban sa engineer.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">