Advertisers

Advertisers

‘CRIME OF PASSION’: 3 KINATAY NG KA-LIVE-IN NG ISA SA BIKTIMA

0 62

Advertisers

TATLO katao ang natagpuang bangkay kabilang ang isang minor sa loob ng kanilang bahay sa Las Piñas City, Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Mary Jean Avellana, isang HR sa Easy Shop; Nathalie Jane Cabintoy, 19 anyos, estudyante; at Oliver Bautista, 11, estudyante, pawang taga-2190 Saint Charles St., Saint Joseph Subdivision, Barangay Pulanglupa Dos, Las Piñas City.

Nasa kostudya na ng pulisya ang suspek na nakilalang si Vincent Kanagy, nasa hustong gulang, na nahaharap ngayon sa tatlong counts ng ‘Murder’ nang maaresto sa isang follow-up operation.



Sa inisyal na ulat ng Las Piñas City Police Station, 1:34 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng kanilang kuwarto.

Nadiskubre ito ni Princess Kanagy, ng F10 Saint Matthew St., Saint Joseph Subdivision ng naturang barangay, dahil sa mabahong amoy na umaalingasaw sa lugar, kaya agad nitong ipinagbigay kaalaman sa mga kaanak ng biktima ang insidente.



Ini-report ng mga kaanak ng mga biktima ang karumal-dumal na pagpatay sa tanggapan ng Barangay CAA, at iniulat naman nila sa himpilan ng Las Piñas City Police Station ang insidente.

Naabutan ng mga pulis ang mabahong bangkay ng mga biktima, na isang lalaki at da-lawang babae kabilang ang isang menor de edad.



Tinitingnan ngayon ng mga imbestigador ang motibo na ‘crime of passion’, na hinihinalang ang isa sa mga biktima na live-in partner ng suspek

Na-recover ng mga pulis mula sa pinangyarihan ng insidente ang may 20-inches na kahoy na posibleng ginamit sa pagpatay, mga nagkalat na kagamitan ng mga biktima.

Ayon sa kapatid ng isa sa mga biktima, huling nakita niyang buhay ang mga ito Mayo 15, 2024.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Mark Obleada/Gaynor Bonilla/Jojo Sadiwa)