Advertisers

Advertisers

Estudyante kinatay ng katropa sa b-day party

0 76

Advertisers

PATAY ang isang binatilyo nang saksakin ng bisitang katropa sa birthday party ng kaniyang kasintahan sa Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Jerome Lostreno, 17 anyos, estudyante, nakatira sa Cluster 23 ROTC Hunters, Barangay Tatalon, Quezon City.

Arestado naman ang salarin na si Huck Peter Alcazaren Novela, 23, ng 44 Lumot Maya Maya St., Bgy. Tatalon.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 1:45 ng madaling araw (May 19), nang maganap ang insidente sa ika-4 na palapag ng gusali sa 27 Cluster 10 ROTC Hunters St., Barangay Tatalon.

Batay sa imbestigasyon ni Police Corpotal Jordan A Barbado, ipinagdiriwang ng biktima ang birthday ng girlfriend na si Catherine kasama ang mga kaibigan na sina John, Cristine Amazona, at ang salarin

Sa gitna ng inuman, nagkapikunan sina Lostreno at Novela hanggang sa maglabas ng camping knife ang huli at sinaksak sa dibdib ang biktima.

Isinugod sa Fe Del Mundo Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Inihahanda na ang kasong murder laban sa suspek.