Advertisers

Advertisers

5 tulak timbog sa P1.3m shabu

0 43

Advertisers

TINATAYANG P1.3 million halaga ng shabu ang nasamsam ng PNP Drug Enforcement Group sa limang tulak ng illegal na droga sa buy bust operation sa Barangay Iba, Meycauayan City, Bulacan.

 

Kinilala ni PNP Provincial Director, Colonel Relly Arnedo, ang mga nadakip na sina Jonathan Dagami alyas “JR”, 43 anyos, ng Lower Bulac 2; Gian Carlo Miranda alyas “Kalbo”, 39, ng.41 G De Jesus St.; Eliodoro Perucho Jr., 44, ng 19 Ballast St,. Meralco Village, Brgy. Lias, Marilao; Christopher Ventura, 20, ng Sta. Rosa II, Marilao; at Maria Tetesita Dimanlig, ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.



 

Kabilang ang mga naaresto sa ‘All Unified PDEA/PNP drug watchlist’.



 

Nabatid na 4:39 ng madaling araw ng Linggo, Mayo 19, 2024, nang masakote ang mga suspek habang nagbebenta ng illegal na droga. Nakuha sa mga sito ang 12 plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng 305 gramo at nagkakahalaga ng P1,394,000.00. (Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">