Advertisers

Advertisers

Covid emergency allowance ng healthcare workers matatanggap na

0 13

Advertisers

MAAARING matanggap ng mga Healthcare workers ang lahat ng nakabinbing health emergency allowance (HEA) na pinagtrabahuan nila sa panahon ng COVID-19 pandemic  sa taong 2025.

Ginawa ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pangako sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography na pinamumunuan ni Sen. Christopher “Bong” Go.

“We will commit po, lahat po mabayaran 2025 po. Kung hindi po kaya this year, 2025 po kino-commit po namin,” wika ni Pangandaman.



Ayon sa opisyal, P73.261 bilyon ang ibinigay sa DOH para sa HEA mula taong 2021 hanggang 2023.

Kailangan pa aniya ng gobyerno ng P27.7 bilyon para pondohan ang hindi pa nababayarang HEA kung saan P2.3 bilyon dito ay magmumula sa unprogrammed appropriation.



Kabilang sa iba pang potensyal na pagkukunan ng pondo ang savings ng Department of Health (DOH), na kailangan pa nitong tukuyin, at posibleng sobrang kita mula sa Bureau of Treasury.

Tinanong naman ni Sen. Go kung bibigyan ng prayoridad ang HEA, tugon ni Pangandaman, “Depende po sa amount ng excess revenues na makukuha natin from the Bureau of Treasury. I know this is important, but marami rin pong equally important programs din. Ang budget is very limited, may limited fiscal space, kaya nga po ipipila natin siya.”



Ikinalungkot naman ni Roel Pahati, presidente ng Makati Medical Center Union ang pagtrato sa mga healthworkers.

“Masakit po yun kasi po nung may mga sakit po ang mga Pilipino, priority namin kayo lahat. Naiiyak kami kasi para kaming namamalimos,” sabi ni Pahati.

Sinang-ayunan naman ito ni Go at nagpahayag, “Parati kong sinasabi, sila po ang hero ng panahon ng pandemya. Pinaghirapan na po nila ito. Services rendered na po ito, dapat po ay ibigay sa kanila kung ano po ang nararapat sa kanila. Hindi na sila dapat magmakaawa para sa benepisyo na para naman po sa kanila ayon sa batas.”  (Mylene Alfonso)