Advertisers

Advertisers

KUDETA SA SENADO: ZUBIRI TALSIK KAY ESCUDERO!

0 24

Advertisers

PORMAL na nagbitiw sa kanyang puwesto si Senador Juan Miguel Zubiri bilang Senate President dalawang araw bago matapos ang second regular session ng 19th Congress.

Pinalitan naman ni Sen. Francis “Chiz” Escudero si Zubiri na nanumpa na rin bilang pinuno ng Senado kahapon.

“I have given this job my all…Today, I offer my resignation as Senate President, and upon stepping down I vow to serve as an independent member of the Senate—my allegiance, as ever, belonging to no one but the people,” pahayag ni Zubiri sa kanyang emosyonal na privilege speech na nagsilbi halos dalawang taon bilang Senate President.



“I have never dictated my position to any of you, and I always supported your independence—which is probably why I face my demise today. I failed to follow instructions from the powers that be,” wika niya.

“I fought the good fight. If I have ruffled some feathers in doing so, if I have upset the powers that be, then so be it,” hirit pa niya.



Una rito, nakipagpulong pa si Zubiri sa kanyang opisina kina Majority Leader Joel Villanueva, Deputy Majority Leader JV Ejercito, at Senators Alan Peter Cayetano at Escudero.

Matapos ang pulong, dumating din si Sen. Nancy Binay na kabilang sa tinaguriang “Seatmates sa Senado,” na kinabibilangan nina Zubiri, Ejercito, Angara, Villanueva, at Gatchalian.



Sa kanyang huling talumpati bilang lider ng Senado, inihayag ni Zubiri na ang pamumuno sa Senado ang itinuturing niyang pinakamalaking karangalan bilang lingkod-bayan at ito rin ang pinakamalaking hamon.

Hindi naman idinetalye ni Zubiri nang tanungin kung may kinalaman ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa umano’y nag-leak na mga dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency sa kanyang pagkakatanggal bilang Senate President.

“Kasama na dun lahat,” saad ni Zubiri.

Inamin din ni Zubiri na naging loyal siya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at pinayuhan niya kaugnay sa People’s Initiative na makakasama sa ating bansa at magiging umpisa ng kaguluhan ngunit hindi umano niya alam kung nakinig ang Punong Ehekutibo.

Sa isa pang panayam, sinabi niya na nalungkot siya sa nangyari kung saan ginawa niya ang lahat upang maprotektahan ang awtonomiya ng Senado.

“Pero ganun talaga ang pulitika, wala tayong magagawa,” pagtatapos ni Zubiri. (Mylene Alfonso)