Advertisers

Advertisers

Hello Xian… Kim pinagsigawan, “May iba na akong mahal!’

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA show nilang It’s Showtime last Saturday, sinabi ni Kim Chiu na may iba na siyang mahal. Si Paulo Avelino kaya ang tinutukoy niya?

Ang naging guest kasi sa segment nilang EXpecially For You ay ang 19-year-old na anak ng singer na siArnee Hidalgo na si Sam Shoaf.



Certified ‘NGSB’ o No Girlfriend Since Birth si Sam, kaya naman sinamahan siya ng kanyang tito na si Jeffrey Hidalgo sa paghahanap ng makaka-date.

Sa ilang hindi pa masyadong pamilyar kay Sam, una siyang nakilala bilang contestant sa first season ng The Voice Kids Philippines na napabilang sa team ni Sarah Geronimo. Ang nanalo rito ay si Lyca Gairanod.



Ang isa sa mga ibinatong question ni  Sam sa mga searchees ng naturang dating game ay, “Ano ang sasabihin mo kung biglang sabihin ng karelasyon mo na, ‘Sorry, may mahal na akong iba.’”

Bigla namang nagsalita si Vice Ganda at itinanong din ito sa kanyang mga co-host. Sinagot naman siya ng mga ito, kabilang na ang kanyang mister na si Ion Perez.



Ngunit ang talagang ikinaloka ng madlang pipol ay ang sagot ni Kim nang  tanungin na siya ni Vice Ganda, na game at punumpuno naman ng energy na sinagot ni Kim ang tanong, “Sorry, may mahal na akong iba!” Na sinundan pa ng malakas na tawa.

Super laugh naman si Vice sa pasabog na sagot ni Kim sabay sabing, “Celebratory! Ang taray!”

***

Edna’s Cakeland, dinarayo.

ANG Edna’s Cakeland ay isa sa pinakasikat na panaderya sa buong Nueva Ecija at Pampanga. Sa darating na Oktubre ay  29 na taon na ang panaderyang ito. Tumagal ang Edna’s Cakeland dahil sa masasarap nitong cakes at pastries, na kapag natikman mo ay talagang babalik-balikan  mo. Talagang dinarayo ang Edna’s Cakeland.

Ang CEO ng Edna’s Cakeland ay si Miss Anna  Gonzales, anak ng founders na sina Mr. Herminio at Mrs. Edna Gonzales.

Dahil sikat ang Edna’s Cakeland, kaya nakuha nito ang atensyon ng Queen of All Media na si Kris Aquino, at itinampok ang brand sa kanyang show ilang taon na ang nakararaan.

“To  have to talk and be interviewed by her, was such an honor. To know that she loved everything that we made her try, was a validation that Edna’s Cakeland has created quality and delicious cakes and pastries,”sabi ni Miss Anna.

Ibinahagi at idinetalye ni Miss Anna kung paano nagsimula ang kanilang negosyo noong 1996. “Nagsimula ito sa kusina ng aming bahay, sa Kapitan Pepe Subdivision, Cabanatuan City. Nagsimula ito bilang hobby ng mommy ko noong bank manager pa siya, hanggang naging business na namin,” kwento ni Miss Anna.

Patuloy niya,”Nagsimula akong mamahala ng Edna’s Cakeland, 4 years ago.”

Naalala ni Miss Anna ang sinabi ng kanyang ina na kailangan nilang maging hands-on sa kanilang business upang magtagal ito.

“I remember her saying that you should be very hands-on in the business, wake up early, and be passionate about what you are doing. Be knowledgeable in all aspects of the business.”

Sabi nga, success is sweeter when shared. And behind every successful person is often an equally supportive partner.

Dahil dito, masayang nagbahagi si Miss Anna ng tungkol sa relasyon nila ng aktor at media practitioner na si Justin Cuyugan, “We are doing great. He’s a very kind and supportive partner. We support each other’s endeavors.”

Ang construction business expertise ni Justin ay naging instrumento sa pagtatayo ng Edna’s Cakeland sa Pampanga. Sa katunayan, binuksan ang bagong branch sa SM Clark last May 4.

Ipinagmamalaki ngayon ng Edna’s Cakeland ang kanilang 10 branches sa buong Nueva Ecija at Pampanga, kabilang dito ang main branch sa Kapitan Pepe Subdivision, Cabanatuan City; SM City, Cabanatuan; SM Mega Center Cabanatuan; Waltermart Cabanatuan City; Waltermart San Jose City; Robinsons Gapan City; Sto. Rosario Angeles, Pampanga; SM Telabstagan;  SM City Clark; at Nepo Mall Angeles.