Advertisers

Advertisers

LIDERATO NI ESCUDERO SUPORTADO NI PBBM

0 23

Advertisers

NAGPAHAYAG ng kanyang buong suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa bagong talagang Pangulo ng Senado na si Sen. Chiz Escudero.

Sa isang pahayag, pinuri ni Pangulong Marcos ang rekord sa lehislatura at dedikasyon ni Escudero sa paglilingkod sa bayan na nagtatangi aniya sa kanya bilang isang lider.

“I extend my support to the new Senate President, Chiz Escudero. His legislative record and commitment to public service have distinguished him as a dedicated leader,” ayon sa Pangulo.



Pinalitan ni Escudero si Senador Migz Zubiri na naglingkod bilang 24th Senate President mula noong July 25, 2022 bago nag-resign nitong Lunes, Mayo 20.

Kinilala naman ni PBBM ang mga naging kontribusyon ni Zubiri at naghayag ng kanyang kumpiyansa sa kakayahan ni Escudero na pamunuan ang Senado sa pagpasa ng mga batas na magdadala ng makabuluhang pagbabago para makamit ang pangarap nitong Bagong Pilipinas.



“Senator Chiz steps into this role following the commendable tenure of Senator Migz Zuburi, and I am confident that under his leadership, the Senate will continue to prioritize transformative laws to achieve our shared vision for a Bagong Pilipinas,” dagdag pa ng chief executive.
\
Inaasahan din umano ng administrasyon ang malapit na pakikipagtulungan kay Escudero at sa buong Senado upang isulong ang mga batas na magpapalago at magpapaunlad sa bansa. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">