Advertisers
GUMANAP ng kakaibang papel si Transportation Secretary Jaime Bautista nitong nagdaang linggo (Mayo 16 ang saktong araw) nang magpunta ang kalihim sa Cordillera.
Bukod kasi sa pagiging Department of Transportation Secretary nitong si Bautista, siya rin ay Cabinet Officer for Regional Development and Security o’ CORDS para sa Cordillera Region.
Dito, kanyang pinamamahalaan ang galaw ng Cordillera, Regional Task Force to End Local Communists Armed Conflict (RTF-ELCAC).
Sa kababaang loob ng mamang ito, pinulong niya ang RTF-ELCAC sa mismong tanggapan ng kanyang ahensiya ang DoTr Central Office sa San Juan City.
Doon lahat ng miyembro ng CORDS Cordillera RTF-ELCAC ay nag-ulat kay Bautista ng kani-kanilang sitwasyon. Si
DILG-CAR Regional Director Araceli San Jose ay nagsabi na ang pagpupulong ay mahalaga upang maipresebta nila sa kalihim ang mga ganap na kanilang ginawa para sa rehiyon.
Ipinaliwanag nila Dir. San Jose at ELCAC Regional Focal Person Randolf Ligligonkay Bautista ang istraktura ng samaha, mga galaw nito at mga napagtagumpayan ng mga aspeto gaya ng sa insureksiyon at terorismo.
Nagbigay din ng mga ulat ang mga namumuno at kinatawan ng ‘regional line agencies’, kasama ang kapulisan at si 5th Infantry Division Commander na si Maj.Gen. Audrey Pasia ng Peace, Law Enforcement, and Development Support; NICA-CAR Regional Director Camilo Balutan para sa Situational Awareness and Knowledge Management; PIA-CAR Regional Director Helen Tibaldo para sa Strategic Communication; OPAPRU Director Christina Umali para sa Local Peace Engagement; DPWH-CAR Lawyer Rex Paderes para sa Infrastructure and Resource Management; at Brenda Pekas ng DA-CAR na nag-ulat naman sa Poverty Reduction, Livelihood, and Employment.
Iprinisinta din ng DILG-CAR ang mga Basic Services; Local Government Empowerment; and Sectoral Unification, Capacity Building, Empowerment, at Mobilization.
Si Col. Jeremias Oyawon ng PRO-Cor ay ipinakita naman din ang kanilang galaw sa RTF-ELCAC Cordillera Operations Center, at ang AVP ng Legal Cooperation Cluster mula sa DOJ.
Inalam din ni Bautista ang sitwasyon ng paglalatag ng mga NTF-ELCAC flagship programs gaya ng Support to Barangay Development Programs (SBDP), ang Retooled Community Support Program (RCSP), at ang Capacitating Urban Communities for Peace and Development (CUCPO).
Natuwa si Bautista sa mga iniulat at nalamang mga impormasyon kung paano gumagana ang Cordilerra RTF-ELCAC na iniatang sa kanya ng Task Force para pamahalaan.
Pinasalamatan niya ang lahat ng kabilang sa RTF-ELCAC Cordillera gaya ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, at ang suporta ng mga local government units sa rehiyon upang pangalagaan ang kapayapaan sa lugar at wakasan na ang pagrerebelde ng iba nating kababayan.
Aniya, mawawala ang mga angal ng iba nating kababayan kung ang lahat ay magsasama-sama para sa kapayapaan at kaunlaran at ipinangako niya ang kanyang todo-suporta sa RTF-ELCAC upang maiparating sa national leadership ang mga karaingan at pangangailangan ng region para lalo itong umunlad.
Yan ang kakaibang galawan ni Secretary Bautista. Basta sa ikauunlad ng bayan, si Bautista ay talagang maaasahan.