Heart niresbakan ang basher, sinabihang mukang fresh dahil ‘di pa nanganganak; Alden hiniling ng kaanak ni Kathryn
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KAKABILIB ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at alam ang galawan ng dalawa.
Naging super mega close na kasi sina Alden at Kathryn lalo na nung magsama sila sa hitbuster nilang pelikula na Hello Love Goodbye.
Maingay din sa socmed ang collab ng GMA at Star Cinema kaya tuloy na talaga ang movie ng dalawa.
Sey pa nga ng netizens na sana nga raw ay di lang bahagi ng promotion ang kanilang sequel sa HLG.
Magkakaroon nga raw ng despedida ang kapatid ni Kathryn na si Kevin na isang dentist at ang hipag nitong doktora na si Shannen.
Kabilin bilinan at special request nga raw si Alden para sa despedida ng kaanak ni Kathryn.
At ni-remind nga raw ulit si Kathryn na huwag kalimutang imbitahan si Alden.
***
ISANG basher na naman ang binarag ni Heart Evangelista.
Sa isang Tiktok kasi may isang basher na may handle name na @Mizuki.
Kapansin pansin daw kasi ang pagiging freshness ni Heart.
Sa mahabang panahon na lumipas ay tila di raw ito tumanda at looking young pa rin ang fashion icon
Sabat naman ng Tiktok account na may name na Mizuki kung bakit maganda si Heart.
Sey ng basher na kaya napapanatili raw nito ang kanyang kabataan at di tumatanda ay dahil wala nga itong anak.
Ikinairita naman ng socialite ang komento ng basher.
Kaya naman ura-urada na agad niya itong binara.
Sey pa ni Heart na napipikon siya sa komento ng basher na walang anak.
Maging sensitive nga raw sana ito dahil di nga raw biro ang pinagdaaanan ni Heart na apat na miscarriage.
Burado na ang komento ng basher pero na-screenshot ng kampo ni Heart kaya niratrat niya ito.
Well, well, well… ‘Yun na!