Advertisers
NAKALIGTAS sa bingit ng kapahamakan ang isang piloto at pasahero nito matapos na bumulusok sa dagat ang sinasakyang Cessna aircraft sa baybayin ng Brgy Canacay sa lalawigan ng Fernando La Union.
Maswerteng nagtamo lamang ng minor injury ang dalawang biktima na pansamantalang hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad matapos silang mag take off bandang alas 8:23 ng umaga sa San Fernando Airport .
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, ang 4-seater Cessna 172 ay nasa pangangalaga ng Leading Edge InTernational Aviation na may registry number RP-C6923 kung saan ay nawalan ng kontrol na lumapag sa runway 01 dahilan upang bumagsak ito sa baybaying dagat.
Agad naman rumesponde ang mga rescuers mula sa Philippine Coast Guard matapos makumpirma ng San Fernando tower ang insidente.
Ang dalawang biktima ay agad na isinugod sa hospital lulan ng training aircraft na pag aari ng naturang kumpanya.
Sa ngayon patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng CAAP Investigators and Inquiry Board (IIB) upang matukoy kung ‘ human error’ ang naging sanhi ng pagbagsak ng nasabing aircraft. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)