Advertisers

Advertisers

‘PATAY KANG BATA KA’

0 19

Advertisers

ANG pangunahing layunin ng isang mamamahayag sa kanyang isinusulat ay ang matunton ang katotohanan. Minsan sa pagtunton dito may mga indibidwal na nadadawit. Ganito ang nasaksihan ng inyong abang lingkod sa kagaganap na Senate hearing tungkol sa naganap na Oplan Tokhang. Sa naturang pagdinig tinalakay ang bisa ng naturang police operations pati ang aktuwal na bilang ng mga namatay ang bilang ng mga napaslang mga kaanak ng biktima at ang epekto ng naturang operasyon sa. Inanyayahan ang mga taong nagsilbing “resource persons” kabilang dito sina Colonel Lito E. Patay at batikang mamamahayag Manny Mogato. Sa maikli, hindi maganda ang reaksyon ni Colonel Patay sa mga tugon ni Manny Mogato at binalaan niya na magsasampa siya ng kasong libelo laban sa Pulitzer Prize winning journalist. Didiretsahin na kita, Colonel Patay.

Ang libelo ay nagiging “weapon-of-choice’ ng mga napipikon sa mga tulad ni Manny Mogato. Tandaan mo, ser na angi sinusulat ng mga peryodista na nasa kalibre ni Manny Mogato ay base lahat sa datos na kinalap niya. Dalawa lang po yan, Col. Patay; napipikon ka dahil nagbigay pahayag ang peryodista ng datos na nagpapatunay na may raket na ginagawa sa bawat ulo ng tinokhang, na pinagkakakitaan ng mga taong nasa ilalim mo. Pangalawa, pinapatunayan ng datos na walang epekto ang Oplan Tokhang sa problema ng pag-abuso ng droga sa bansa. Ang mga itinalaga ni dating PNP chief Bato dela Rosa ang lumalabas na nakinabang ng husto at, sa basbas ng dating pangulo na serial-killer Rodrigo Duterte ang may pakana ng lahat ng ito.

Nakakalungkot na kinakasangkapan ang libelo sa pagpapatahimik sa mga manunulat at peryodista. Isa ang kasong libelo na isinampa laban sa kabaro Fermin M. Diaz. Naglabas si G. Diasz ng pahayag tungkol sa isang epidemya na sumasalanta sa mga babuyan. Ani G. Diaz na napakaluwag ng regulasyon ng mga gamot pambeterinarya na maaaring humantong sa isa pang pandemiya na masahol pa sa naranasan natin sa African Swine Flu. Sa maikli, may pumalag sa isinulat ni Fermin at hinabla siya sa kasong libelo. Ang dahilan? Tulad ng isyu kay Manny Mogato, nagpangahas silang ungkatin ang katotohanan.



Kapansin-pansin na kapag ang mga katulad ni Col. Patay at ang mga naghabla kay Fermin Diaz ay walang maisagot sa mga peryodista at manunulat, dahil hinarap sa kanila ang tunay na datos na nakalap, ang gagawin nila magsasampa sila ng kasong libelo. Sa opinyon ng abang peryodistang ito, dapat alisin ang libelo sa hanay ng mga kaso, kriminal man o sibil. Ang libelo ay ginagawa upang lusutan ng mga ipis na tulad ni Patay na talikuran ang obligasyon nila sa mamamayan. Ang gawain nila ay nagpapakita na wala silang intensyon na matunton ang katotohanan. Ang nais lang ng mga katulad ni Col. Patay ay umiwas sa pananagutan at makalaya sa sabit kung sakaling magkaturuan. Kapag nangyari ito, hay naku Juan DeLa Cruz. Patay kang bata ka.

***

MARAMI ang nababahala sa pinakitang agresyon ng tsina sa WPS. Ang pinakahuli ay ang pagtangka ng mga tauhan ng china coast guard na sampahan ang BRP Sierra Madre. Hindi naging matagumpay ang mga tsino dinaga at naduwag sila at nang makita na handa ang mga Pilipinong kawal sa anumang maaaring manyari. Nagsimula ito nang mag air-drop ng supplies ang kahihan para sa mga nakahimpil sa BRP Sierra Madre. Hinabol ng mga tsino ang supply na pagkain at pinagsisira tinapon sa dagat. Dahil sa naganap na insidente tumaas ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at pulahang tsina. Hindi na maganda ito at nanganganib na humantong sa madugong insidente ang ginagawang pambubully.

Maliwanag ang mandato ng liderato ng pamahalaan: ipagtatanggol natina ang ating soberenya at hindi magpapadala sa ginagawa ng mga tsino. Baligtarin man nila ang naratibo sa naganap na insidente, pinatunay lang ng pulahang tsina na sila ang mapangahas at sila nasa mali. Naghahanda ng panibagong reklamo ang pamahalaaan ng Republika ng Pilipinas na isusumite sa UNCLOS. Ang kasalanan na ito ay hindi kagagawan ng pangkaraniwang mamamayang Insik. Nagbunga ito sa polisya ng hegemoniya at pagiging mapanakop ng pulahang tsina. Ng gusto nila ay hindi papayagan ng sinuman at nagsisilbi lamang upang higit na mahiwalay ang pulahang tsina sa nakararaming bansa sa daigdig. Harinawa mahimasmasan ang liderato nila. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***



WALUMPUNG taon ang nakaraan nang dumaong ang katihan ng Estados Unidos, Inglatera, Canada at mga bansang malya upang wakasan ang pananakop ng mga Nazi sa Europa. Ang anibersaryo ng D-Day ay dinaluhan ng iilang mga natitirang beterano na karamihan ay nasa edad nobenta na. Nagpapasalamat ang abang peryodistang ito, sampu ng isang malayang daigdig na tauspisong nagpapasalamat dahil sa inyong sakripisyo.

***

Jok Onli

Away Ng Mag-Jowa:

BABAE: Wag ma na ako i-chat!!!…

Mag basketbol ka na lang habambuhay!!!…

(Galit pa rin:) Sabi mo magcha-charge ka kang inabot ka ng limang oras?!?… Ano ba baterya mo Motolite?!?…

(Tuloy ang usok ng ilong ni babae:) Wag mo na akong puntahan dito diyan ka na lang sa basketbol court kainin mo yung bola diyan!!!…

LALAKI: Babe sorry panalo kami saan mo gustong kumain?…

BABAE: Mcdo….

***

mackoyv@gmail.com