Advertisers

Advertisers

Matteo tigbak na sa ‘Black Rider’, gagawin na ang project kasama ang misis na si Sarah

0 13

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMI ang nagulat at nabigla sa pagkakatigok ni Rafael or Paeng Policarpio na karakter ni Matteo Guidicelli sa Black Rider.

May 27 nang sumalang sa last taping niya si Matteo para sa action serye ng GMA-7.



At eto lang Biyernes, Hunyo 7 taong kasalukuyan ay tuluyan na ngang tinigbak ang kanyang karakter.

Sa kabila na pagkawala ni Matteo sa Black Rider ay patuloy pa rin itong mapapanood sa morning show ng GMA na unang Hirit.



Dahil sa hectic ng sked ni Matteo, pabor sa TV host actor na matigbak na ang kanyang karakter sa BR  na  pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Hindi lang naman ang karakter ni Matteo ang pinatay sa Black Rider kungdi kahit si Arra San Agustin ay papatayin na rin ang karakter.



Wala pang anunsiyo sa next project ni Matteo bukod sa UH.

May nakalinya pang mga proyekto si Matteo at may bulung bulungan na makakasama niya sa project ang kanyang misis na si Sarah Geronimo para sa South Korean movie adaptation na  Wonderful Nightmare.

***

EB BABE LIAN NAGREAK SA PAG-ATRAS SA ANNULMENT CASE VS PAULO

NAIIYAK ang dating EB Babes na si Lian Paz na dating partner ni Paolo Contis sa isang panayam at inihayag nito na winithdaw  na nito ang isinampang annulment nila ng estranged hubby sa Marikina RTC.

Ikinasal sina Lian at Paolo noong 2009 at nagkahiwalay ng 2012 at nagkaroon ng dalawang anak.

Ani Lian, kulang pa raw siya sa mga ebidensya para sa kanilang legal na paghihiwalay.

Ipinasa Diyos na lang ni Lian ang lahat kung ano ang mangyayari after ng kanyang pag-atras sa annulment nila ni Paolo.

Kasalukuyang engaged na si Lian sa bago nitong partner na si John Cabahug.

Kaya ang kasal nina Lian at Paolo at sa bisa nito ay mag asawa pa rin sila matapos na bumawi  si Lian sa annulment case.

Well, well, well…’Yun na!