Advertisers
- Ni Anne Venancio
Itinalaga ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes bilang bagong brand ambassador ng MARSTEK Philippines. Pangungunahan nito ang advertising, digital, promotional, corporate at product campaigns ng kumpanya.
Ayon kay Dr. Mary C. Cruz, chief executive officer ng MARSTEK Philippines at founder at CEO ng ZK Summit Holdings Inc., pinili si Dingdong dahil sa kanyang kredibilidad, integridad, leadership at tiwala ng publiko.
Sinabi naman ni Dingdong na naaayon sa kanyang values bilang asawa, ama at homeowner ang partnership. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maaasahang backup power solution dahil mahalaga ang kuryente sa komunikasyon, trabaho, edukasyon at iba pang pang-araw-araw na gawain ng mga pamilya.
Kasabay nito, ini-install sa tahanan ng aktor ang MARSTEK MARS 1 3-Phase system, na idinisenyo para sa whole-home residential energy needs. Layunin nitong makatulong na mapanatiling gumagana ang mga pangunahing household operations kapag nagkaroon ng power interruption.
Ayon kay Dingdong, nais niyang maranasan mismo ang paggamit ng produkto at maibahagi ang mga benepisyo nito sa mas maraming pamilyang Pilipino.
Sinabi ng MARSTEK Philippines na layunin ng partnership na mahikayat ang mga kabahayan na gumamit ng innovative at sustainable energy solutions, lalo na’t tumataas ang gastos sa kuryente at hindi inaasahang power outages.
Inaasahan ng kumpanya na makatutulong ang partnership kay Dingdong sa pagpapalawak ng pagkilala sa MARSTEK at sa mga smart energy solutions nito sa Pilipinas.