Viva Hotbabe Zara Lopez, Another Accomplishment Na Maging Endorser Ng ISkin Aesthetic Lifestyle; Eva Darren Good Karma
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
PALAKI nang palaki ang pamilya ng ISkin ni Ma’am Kate Pagkalinawan, the beautiful owner of ISkin Aesthetic Life na nasa 2nd level ng AIRMALL Makati.
After nina Rita Daniela, Regine Tolentino, Atty. Maggie Abraham Garduque, last month ay ang kilalang celebrity online seller at former Viva Hotbabes member na si Zara Lopez ang pumirma ng exlusive contract sa ISkin and for Zara ay itinuturing niyang another blessing at accomplishment ang maging parte ng sikat na beauty clinic na pinagkakatiwalaan din ng mga iconic veteran stars like Chanda Romero, Cherry Pie Picache, Irma Adlawan, Susan Africa, etc.
Samantala, kasabay pa lang ng pagpirma ng contract ni Zara ay ang matagal ng mga brand ambassadors ng ISkin na sina Jeff Olalia na kilalang ramp model, Beauty Queen and Corporate girl Patricia Garcia, Superbods finalists Patrick Patawaran at Jojo Urquico. Lahat sila ay bilib sa services ng ISkin especially the safe non-invasive treatment. Madalas na ipagawa nina Jeff, Patricia, Patrick at Jojo ay facial o Ultrasonic Face Contour & Diamond Peel, na lalong nagpapaganda ng kanilang mga mukha. At sa mga nagsa-sagg na yung face, may sagot diyan ang ISkin, ang Thermage FLX. The gold standard in non-invasive skin tightening technology. ISkin offers the genuine Thermage FLX, ensuring optimal safety and effectiveness.
Kaya say goodbye to sagging face, and hello to a firmer tightened skin. And avail agad ito at naka 30% off sila. Rekomendado ng aming celebrity lawyer friend na si Atty Maggie, ang ISkin, na nag-aalaga ng kanyang skin at body.
Naku, feel at home ka sa ISkin at very accomodating silang lahat including their Marketing Manager, the sweet and lovely Ms. Kath Almero.
***
Eva Darren Dinudumog Ng Offers
MABAIT talaga ang Diyos. At after ng dinanas na pambabastos at insulto sa kanyang pagkatao ng FAMAS, hayan at good karma at isa-isang dumarating ang alok kay Eva Darren na itinuturing na iconic at kauna-unahang actress na nagbida sa teleserye ng ABS-CBN during 60’s. Yes, first TV appearance ni Eva after ng issue sa FAMAS ay ang Family Feud at kasama niyang naglaro ang kumare at tagapagtanggol na si Divina Valencia with Roger Calvin na 50’s actor din.
We heard na may alok ding teleserye at pelikula kay Ms. Eva.
Saka may anak palang doctor ang nasabing contoversial veteran actress, si Doc Fernando Dela Peña na based na sa California. Ilan sa kanyang trip abroad ay isinasama niya ang kanyang Mommy Eva. Naku, hindi kaya maging brand ambassador din ng ISkin si Eva Darren. Di ba naman Ma’am Kate na bongga ang PR sa Entertainment Press.