Advertisers
HUMAKOT ng 10 medalya ang Philippine muay thai team sa 2024 IFMA World Senior Muaythai Championship sa Athens,Greece, 4 golds, five silvers at one bronze.
LJ Rafael Yasay nagwagi ng 2 gold medals mula sa tournament sa combat at Mai Muay categories.
Sa men’s 48-kilogram combat finals at sa under 23 years old, dinaig ni Yasay si Danila Rakitskii para masilo ang kanyang gold medal.
Nagwagi rin siya ng gold sa U23 Mai Muay event matapos ibalibag si Manh Hoang Dinh by points sa final.
Nakatanggap rin si Yasay ng silver medal sa men’s U23 wai matapos yumuko sa Malaysian Asyaf Latif by points sa final.
Ariel Lampacan nasungkit ang kanyang gold medal sa men’s wai kru event matapos magwagi kontra Dimos Asimakopoulos ng Greece sa final by points.
Nakatanggap rin siya ng silver medal sa Mai Muay final, matapos mabigo kay Pithaya Thippranee ng Thailand.
Allyssa Kylie Mallari nakamit ang kanyang gold medal sa women’s U23 Mai Muay final ng idispatsa si Myra Arina Roslan by points.
Islay Erika Bomogao naguwi ng 3 medalya (two silver at bronze) sa women’s wai kru at Mai Muay events at bronze sa combat elite 45 kg category.
Ang national team, na kilala rin bilang “Team Bagsik,” nagtapos 3rd place overall sa standings ng tournament, sa likuran ng Thailand at ang neutral team na binobou ng athletes mula sa Russia.