Advertisers
“JUSTICE!!!”
Ito ang isinisigaw ng mga tagasunod ni Pastor Apollo Quiboloy, ang founder ng religious group na Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at may-ari ng Sonshine Media Network International (SMNI) na nahaharap sa maraming kasong kriminal tulad ng rape, sexual abuses, dollar smuggling at human trafficking sa loob at labas ng bansa.
Hinaharangan ng mga tagasunod ni Quiboloy ang mga awtoridad na magsisilbi ng arrest warrant laban sa kanya, sa mga pag-aari niya na maari niyang pagtataguan sa Davao.
Si Quiboloy ay natago simula nang mag-isyu ng arrest warrant ang korte sa Davao City sa kasong sexual abuses.
Maliban dito, nag-isyu rin ng arrest warrant sa katulad na kaso ang korte sa Pasig City, Metro Manila.
Wanted din si Quiboloy sa Kongreso, sa hindi pagsipot sa mga pagdinig sa mga reklamong pang-aabuso rin sa kababaihan.
Bukod dito ay wanted si Quiboloy sa Federal Bureau of Investigation (FBI) sa maraming kasong kriminal sa Amerika.
Kung nais ng supporters ni Quiboloy na magkaroon ng hustisya ang “Diyos” nila, hikayatin nila ito na sumuko sa batas, harapin ang mga reklamo laban sa kanya, at ilatag ang kanyang mga ebidensiya. Dahil ang korte ay nagbabase lamang sa mga ebidensiya, maliban lamang kung korap ang judge na humahawak sa kanyang mga kaso.
Hangga’t nagtatago si Quiboloy, umiiwas harapin ang mga reklamo laban sa kanya sa husgado, mananatili siyang wanted sa batas, hangga’t walang nangyaring pagdinig at hindi nakakapagbigay ng hatol sa kaso ang korte. Mismo!
Ang mga kasong ito ni Quiboloy ay hindi matatapos o mabubura sa korte hangga’t hindi siya humaharap sa hukuman. Napakarami naman niyang mahuhusay na abogado, kasama na rito sina ex-President Rody Duterte at Vice President Sara Duterte-Carpio, pero bakit takot siyang harapin ang mga inaakusa laban sa kanya?
Tandaan: No one is above tha law. Kahit si Jesus Christ ay humarap sa paglilitis ng mga umaakusa sa kanya. Hinarap Niya ang hatol na pagpako sa krus hanggang kamatayan, pero muli Siyang nabuhay, dahil Diyos nga Siya.
Ipinangangalandakan ni Quiboloy na siya’y “Son of God” na kayang pigilin ang lindol, at siya raw ang may hawak ng susi ng Langit. Sa kanya raw nagpapasya kung saan ka niya dadalhin. Hehehe…
Pero dito sa mga reklamong kriminal laban sa kanya, Judge ang huhusga sa son of the bitch este son of God na ito. Ambot!
Again, kung gusto ng mga tagasunod ni Quiboloy na makamit ang hustisya at mabura ang mga akusasyon sa kanilang “Diyos”, hikayatin nila ito na sumuko sa korte, harapin ang mga nag-aakusa sa kanya para malaman ang katotohanan kung siya’y inosente nga ba sa mga akusasyon, o dapat siyang ipasok sa kuwebang bakal. Period!
***
Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippine na sa unang pagkakataon ay nagsagawa ng military exercises ang China sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ang ginawang ito ng China ay isa nang paghahamon ng giyera sa Pilipinas. Alam kasi nila na tuldok lang ang ating AFP sa kanilang puwersa, at hindi kakasa si Pangulong “Bongbong” Marcos sa digmaan. Kaya pinagtatawanan nalang ng mga Intsik ang pag-aalburuto ng mga Pinoy. Yun lang naman kasi ang kaya natin, ang magalit, pero walang ganti. Very sad!