Advertisers

Advertisers

Ria excited na sa pinagbubuntis na 1st baby kay Zanjoe

0 13

Advertisers

BY ROMMEL PLACENTE

MAGIGING nanay na si Ria Atayde. Ipinagbubuntis niya kasi ngayon ang panganay na anak nila ng mister na si Zanjoe Marudo.

Noong Linggo, kasabay ng pagdiriwang ng  Father’s Day, inanunsyo ni Ria na buntis siya.



Sa Instagram, makikita ang ilang masayang pictures ng celebrity couple at proud na ibinabandera ang baby bump ng aktres.

Ayon pa kay Ria, excited na siya sa panibagong journey nila ni Zanjoe.



“To the dad you already are and the dad I know you’ll be,” panimula niya sa caption.

Mensahe pa niya kay Zanjoe, “Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you [white heart emoji]”



“Happy first Father’s Day! [sparkle emoji],” aniya pa.

Sa comment section, maraming kapwa-celebrities ang bumuhos ng pagbati sa mag-asawa.

Kabilang na riyan sina Yam Concepcion, Cassy Legaspi, Alex Diaz, Jason Abalos, Rachel Peters, Marlo Mortel, Debs Garcia, Eula Valdez at marami pang iba.

Sina Ria at Zanjoe ay ikinasal noong Marso sa isang civil ceremony sa Quezon City makalipas ang isang buwang engagement.

Marami ang naghinala na baka buntis si Ria kaya minadali ang pagpapakasal ng dalawa.

Lalong naging usap-usapan sa social media ang “pregnancy rumors” nang ibahagi ni Cristy Fermin sa kanyang “Cristy Ferminute” vlog na may source sila na nagsasabing preggy nga talaga ang anak ni Sylvia Sanchez.

“May source po kami na nagsabi na tatlong buwan na raw pong nagdadalang-tao ngayon si Ria Atayde na talaga namang ikinatutuwa ng magkabilang pamilya Marudo at Atayde,” sabi ni Cristy.

Congratulations Ria!

***

NAGING guest ni Snooky Serna sa kanyang vlog ang singer-actress na si Mitch Valdez. Sa segment na Pick A Name, nakuha ni Mitch ang pangalan ni Coco Martin.

Ang sabi niya tungkol kay Coco, “When my first few days shooting  in ‘Ang Probinsyano’ -I haven’t done a teleserye or a TV show for about a decade until Probinsyano.

“He (Coco) was directing some days, he was writing some days, and he’s an actor, so, can you imagine all those hats na suot niya?”

“’Yung bahay ni Lola Susan Roces nandoon sa taas tapos nandoon kami (sa baba) na may ambulansya na inilalabas ‘yung anak niyang pinatay (namatay sa pagsabog ng bomba) tapos nagi-internalize na siya kasi ‘yung anak niya inilalabas na, so kailangan lumuluha na siya.

“Tapos sabi niya, ‘yung drone (camera) kunin n’yo pagdating nu’ng ano, aakyat ‘yung drone at lalabas si lola at pagkatapos doon baba ‘yung drone, ha.’

“Naka-ganu’n ako (nakanganga) hindi nawala ‘yung internalization pero nagdi-direk.”

Natawa naman si Kooky sa kuwento ni Mitch na nagi-internalize pero nakuha pang magdirek ni Coco na in-imagine nila ang eksena na talagang kahanga-hanga ang aktor.

Isa pang hinangaan ni Mitch ay  ang  nag-iisang superstar na si Nora Aunor na nakasama niya sa pelikulang Bulaklak ng City Jail, noong 1984.

“When you did movies and the set is like that and we were shooting inside the Pasig City Jail talaga. That I can remember was the smell and the despair because all those people on that jail wala pang trial,” chika ni Mitch.

Patuloy ng aktres, “At itong si Nora Aunor pala napaka-realistic na ‘yung eksena na ginulpi niya ako in the end, talagang ginulpi niya ako pasa-pasa ako (pinakita ang video).”

Nagulat si Snooky, “Ate talagang ikaw ‘yun (akala may dobol)?”

“Oo ako, (sabay banggit) ate Guy? ha, ha, ha, ha.”

Natanong naman ni Snooky kung naging magkaibigan sila ng superstar pagkatapos ng shooting.

“Who doesn’t become good friends with Nora?” natatawang sagot ni Mitch.