Advertisers

Advertisers

Armas at pampasabog, nakuha sa Safehouse ng NPA sa Bulacan

0 14

Advertisers

Dahil sa pinaigting na combat operation ng Militar natunton ang isang safehouse ng Communist Terrorist Group, na Kilusang Gerilya ng Narciso Antazo Aramil Command,sa Sitio Balwarte Brgy, San Roque City of San Jose del Monte Bulacan.

Sa inisyal na report ni 80 Infantry Battalion Scout Platoon 2Lt. Sauza, ganap na alas-7:00 ng umaga nitong Hunyo 18 2024 ng matunton ang bahay ni Ka Ronnie Manalo,sa nabangit na Sitio.

Nabatid na halos dalawang kilometro ang layo ng Safehouse mula sa kabayahan sa naturang barangay.

Ganap na 3:30 ng hapon ng marekober ng Since of the Crime Operatives(SOCO) ang mga armas at subersibong dokumento.

Nakuha sa tahanan, ni Ka Ronnie ang isang Colt Law M16 rifle na may serial number 153670, dalawang magazine ng M16 na may 30 rounds ng mga bala.

Isang Akar Shotgun na may serial number 122113825 na kargado ng 6 na bala ng 12 gauge shotgun, isang hand granade fragmentation M67

Kabilang ang bandera at tarpaulin ng KMP-Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, isang laptop, flashlight, personal ID ni Ka Ronnie, at iba pang mga dokumento ng kilusan.

Ayon sa magpagkakatiwalaang source, si Alyas Ka Ronnie, ay matagal na nawala sa Barangay San Roque.

Samantala patuloy naman ang paggalugad ng mga sundalo sa bolubunduking bahagi ng Sierra Madre sakop ng Bulacan at Rodriguez Rizal.(Thony D. Arcenal)