Advertisers

Advertisers

Duterte itinangging tatakbo silang mag-aama sa Senado

0 14

Advertisers

MARIING itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte na tatakbo sa pagka-senador sa 2025.

Bukod kasi sa dating pangulo ay isinama pa ng Vice President ang 2 kapatid nito na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Davao City First District Representative Paolo Duterte na tiyak ang pagtakbo sa pagkasenador sa susunod na taon.

Ayon sa dating pangulo, huwag paniwalaan ang sinabi ng anak dahil wala pa silang desisyon.



Kung manalo aniya sila ay hindi naman nila alam ang gagawing mag-aama sa senado.

Dagdag pa nito na hindi naman siya kinonsulta ng anak na si Vice president Duterte noong ito ay nagbitiw bilang kalihim ng Department of Education.



Ipapaubaya na lamang niya sa Maykapal ang kapalaran nito sa halalan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">