Advertisers

Advertisers

COL. MALINAO JR., TIKLOP KINA MR. ROMANTIKO, NONIT AT SGT. ADLAWAN!

0 1,283

Advertisers

TUWANG-tuwa ang mga mamamayan sa pagkakahirang sa dating Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 4-A (CIDG-RFU) Chief Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr. upang pamunuan ang Batangas Provincial Police Office.

Para sa mga Batangueno, ang taga-Davao na si Col. Malinao Jr., bagama’t pinag sususpetsahang isang Duterte Die Hard Supporter (DDS) ay siya palang makatutugon sa kanilang hinahanap na matapat, malinis at makatotohanang serbisyo ng kapulisan sa probinsya ni Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas.

Noong unang linggo ng nakaraang buwan ay ipinagdiinan ng Colonel ang “No Take Policy” na ang ibig sabihin ay siya at ang lahat ng kapulisan ay tatalima sa polisiya na ito ng PNP at walang sinuman ang tatanggap ng suhol, lagay, pabuya o inteligencia mula sa mga iligalista. Paniwala ng mga mamamayan ay hindi kayang silawin ng kinang ng salapi ang matatag na paninindigan ni Col. Malinao Jr.



Nagsitiklop at tumigil na ang operasyon ng ilan sa mga gambling lord na nagpapatakbo ng Small Town Lottery (STL) con jueteng o bookies, sakla at mga pergalan (perya na pulos sugalan), ngunit binalewala ng mga STL bookies operator lalo na ng grupo ni alyas Mr. Mike Romantiko, mga katiwala nitong sina Nonit, Jeff at kasamahang kristo o Bogart sa sabungan ang utos ni Col Malinao Jr.

Ipinagyayabang nina Mr. Romantiko, Nonit at Jeff na nagpataas lamang ng tara, protection money o lingguhang suhol, lagay, tongpats o intelihencia ang isang alyas Sgt. Adlawan na pumuposturang “kapustahan” (police tong collector).



Ang dati ay miyembro ng Davao PNP at DDS, ngunit nasibak sa pwesto dahil sa pangongotong na si alyas Sgt. Adlawan ay nagpapakilalang lider ng grupo ng “kapustahan” (police tong collector) na inorganisa nina alyas Maklang at Wano ng Camp Crame ay umiikot sa mga kuta ng mga vice lord at iniaanunsyo na siya ang sugo upang pangasiwaan ang tong collection sa lahat ng ilegalista sa CALABARZON upang ipangolekta ng intelihencia ang ilang high ranking PNP official.

Ang pangalan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, ilang PNP Region 4-A official at PD Col. Malinao Jr. ay ipinangongolekta din ng linnguhang intelhencia ni alyas Sgt. Adlawan at ang dating Php 350K weekly na hatag sa STL bookies ay ginawang Php 600K, 250K ay Php 500K sa sakla, ang dati ay 25K ay Php 50K sa pergalan at dating Php 150K ay Php 300K sa buriki o paihian.



Bagama’t mahigpit ang direktibang “No Take Policy” at bawal na pagbibigay ng escort service ng PNP sa mga pulitiko, mayayaman at maimpluwensyang indibidwal ay guwardiyado ng unipormadong pulis ang bahay ng isang iligalista na alyas Nilo sa Brgy. Banaba na rebisahan ng milyones na taya ng STL bookies ng grupo nina alyas Mike Romantiko, Nonit, Jeff at ng kristo ng sabungan na si Bogart.

May bantay din na dalawang unipormadong pulis ang bahay ng isang alyas Ka Monina sa pinagpipistahang saklaan ng mga sugarol sa Brgy. Sambat na area of responsibility nina Padre Garcia Mayor Celza Braga-Rivera at Police Chief Maj. Charles Fulache. Kasabay ng malakasang tayaan sa sakla ay nag-iikot at nagbebenta naman ng tingi–tinging naka aluminum foil na shabu si Bogart. May pinapatakbo pang pergalan (peryahan na pulos sugalan) sa likod ng Jollibee sa Brgy. San Miguel, Padre Garcia sina alyas Mr. Mike Romantiko, Nonit at jeff na pinapopostehan sa kanilang dummy upang di mahalatang kinopo na nilang lahat ang pailegal sa naturang bayan.

Lahat ng ilegal na pinagkakakitaan ay kontrolado na nina alyas Mr. Mike Romantiko, Nonit at Jeff at ng grupo ng mga tulisang kristo nito sa sabungan sa pagnanais ng mga itong makaipon ng milyones na pondo para sa ambisyon na tumakbong gobernador ng Batangas sa darating na May 2025 election.

Hindi lamang si Major Fulache ang sirang-sira ang pangalan sa pinaggagawang ito ng grupo nina Mr. Mike Romantiko, Nonit, Jeff at ng mestisuhin ngunit baklitang si Bogart kundi higit na apektado at tampulan ng paninisi ay sina Mayora Braga-Rivera at Col. Malinao Jr. na nawalan ng saysay ang ipinagdidiinang “No Take Policy”! Tiyak na sa kangkungan pupulutin ang kandidatura ni alyas Mr. Mike Romantiko! May karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144