Advertisers
Nasa 156 baril ang nakumpiska ng Quezon City Police District (QCPD) bunsod na rin ng pinaigting na kampanya laban sa loose firearms mula Enero hanggang Hunyo 2024.
Inihayag ni QCPD Director, P/BGen. Redrico A. Maranan, na sa kasalukuyan may kabuuang 145 na operasyon ang isinagawa, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 147 indibidwal ng iba’t-ibang istasyon at unit ng pulisya sa loob ng QCPD.
Ang mga operasyong ito, humantong sa pagkakakumpiska ng kabuuang 156 na baril.
Nanguna sa operasyon ang Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni P/Lt. Col. Reynaldo Vitto.
Sumunod ang Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Leonie Ann Dela Cruz na sinundan din ng La Loma Police Station (PS 1) na pinangungunahan ni P/Lt. Col. Romil Avenido.
Kabilang din sa nakasamsam ng baril ang Talipapa Police Station (PS 3) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Resty Damaso at ang Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni P/Lt. Col. Roldante Sarmiento.