Advertisers

Advertisers

Traffic enforcer inararo nang sinitang bus driver

0 9

Advertisers

Inararo ang isang traffic enforcer ng driver ng isang pampasaherong bus nang sitahin ito sa paglabag sa batas trapiko sa Dasmariñas City, Cavite noong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Datoon, miyembro ng Traffic­ Management Unit (TMU) ng Dasmariñas City, Cavite.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang salarin na si alyas ‘Rollie’, driver ng Erjhon & Almark bus na may plakang UMN 117 at residente sa Barangay Galicia 2, Mendez, Cavite.



Sa ulat ni PMSg. Richard Domingo ng Dasmariñas Component City Police, nangyari ang insidente sa tapat ng Robinson’s sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Pala-Pala sa Barangay Sampaloc sa nasabing lungsod 2:00 ng hapon.

Sinita ng biktima ang driver ng pampa­saherong bus habang nakatigil sa nasabing lugar kung saan ipinagbabawal ang pagsakay at pagbaba ng mga pa­sahero sa lugar.



Ayon sa ulat, mabilis na nagpaandar ang driver ng bus at tinamaan ang biktima.
Samantala, naaresto naman ang suspek sa isang follow-up operation.

Sinabi ng Dasmariñas City Police na  kinasuhan ng murder at nakakulong na sa custodial facility nito ang driver ng bus.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">