Advertisers

Advertisers

Imbestigahan din ang mga mambabatas na Chinese ang parents

0 18

Advertisers

NAPAPANAHON na para kalkalin ang nationality ng ilang mambabatas na Intsik ang mga magulang,

Oo! Tulad ng paggisa ng mga senador kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Gou na nabuking na kuwestiyunable ang pagiging Filipino, dapat ding kalkalin ang nationality ng mga magulang ng mga politiko partikular mambabatas na anak ng mga Intsik.

Sa mga politiko, maraming anak ng mga Intsik o ibang nationality, na nabubunyag lamang kapag nasangkot sa katiwalian o napag-initan ng gobyerno tulad ng nangyayari ngayon kay Mayor Alice Gou.



Obviously, Intsik ang mga magulang ni Alice. Ang pagka-Filipino citizen niya ay peke, bumili lang ng pagkatao ng isang Filipino para marehistrong Pinoy at nakapasok sa politika.

Ipinagbabawal sa batas ang hindi lehitimong Filipino para pumasok sa politika o humawak ng anumang posisyon sa ating gobyerno.



Remember ex-Congressman Harry Angping ng District 3 ng Manila? Nakatapos siya ng kanyang termino sa pagka-kongresista, pero nabuking lamang na isang Chinese national nang tangkain tumakbong mayor ng Maynila. Ang kanyang misis, si Zenaida, ang Pinay.

Si late Senator/Manila Mayor Alfredo Lim, pinadi-disqualify din siya nang tumakbong presidente noon. Pero napatunayang siya’y Pinoy, ipinanganak sa Tondo.



Balikan natin ang mga nakapuwestong politiko na may apilyedong Intsik o apilyedong Pinoy pero anak ng Intsik na baluktot managalog.

Sa Kamara o House of Representatives, maraming maiikling apilyedo dyan, mga anak ng Tsekwa. Ano kaya kung kalkalin din ang kanilang tunay na nationality?

Gayundin sa Senado, may mga anak ng Intsik dyan na nagtatago sa apilyedong Pinoy. Dapat imbestigahan din ang rekord ng mga ito tulad ng ginagawa nila kay Alice Gou.

Say n’yo Senador Win Gatchalian at Sen. Risa Hontiveros? Let’s do it!!!, kalusin ang mga Intsik sa politika sa Pilipinas. Now na!

***

Kung seryoso ang gobyernong Marcos sa paglinis sa POGO sa bansa, dapat pasukin din ang Island Cove sa Cavite.

Ang ilang ektaryang Island Cove, na dating pag-aari ng Remulla, ay pinamumugaran na ngayon ng mga Intsik, tinayuan ng mga POGO hub. Bakit dedma yata ang mga awtoridad dito? Sino kaya ang padrino ng mga POGO sa Island Cove?

Mr. Kim, hello!!!

Nauna nang pinabulaanan ng mga Remulla, Cavite Governor Jonvic at Justice Secretary Boying, na may kinalaman o may share sila sa mga POGO na nakatayo sa dati nilang property.

Naghamon pa nga si Gov. Jonvic na bibigyan niya ng malaking pabuya ang sinomang makapagpapatunay na kasosyo sila sa POGO hubs sa Island Cove.

Well, sino naman kaya ang maglalakas-loob na lulutang o mag-aakusa na kasosyo ang Remulla sa POGO hubs sa Cavite eh kaalyado nila si Pangulong “Bongbong” Marcos. Para kang bumangga sa pader nun lalo’t hawak nila ang Department of Justice. Mismo!