Advertisers
Nasawi ang tatlong bata nang sumiklab ang sunog sa loob ng kanilang bahay habang mga natutulog sa Brgy. Dalusan, Maasin sa Iloilo nitong Miyerkoles ng gabi.
Sa pag-iimbestiga ng Maasin BFP, iniwan ng mga magulang sa kanilang bahay ang magkakapatid na may edad 1, 4, 5, 8, at 12 para pumunta sa lamay sa kanilang kapitbahay.
Laking gulat ng mga magulang at mga residente nang makitang malaki na ang apoy sa kanilang bahay.
Wala nang nagawa ang magulang kundi magsisigaw habang nasusunog ang kanilang bahay kasama ng kanilang mga anak.
Ayon sa imbestigasyon ng Maasin BFP, natutulog ang magkakapatid at hindi kaagad nakalabas sa kanilang nasusunog na bahay ang 4 at 5 taong gulang na mga bata dahil sa may kapansanan na polio at ang isang taong gulang na bata na hindi pa masyadong nakakapaglakad.
Nakaligtas naman sa sunog ang dalawang bata na may edad 8 at 12 pero nagtamo ng mga paso sa katawan at kasalukuyan pang ginagamot sa ospital.
Natukoy naman ng Maasin BFP na sa isang siga malapit kanilang bahay ang napabayaan at pinagmulan ng sunog.