Advertisers
Ni Archie Liao
PAGKATAPOS na rumampa sa Paris Fashion Week, pumiyok si Heart Evangelista dahil sa umanoý pananabotahe sa kanya.
Nai-report kasi ang kanyang Instagram account dahil sa isang post na medyo revealing ang kanyang kasuotan.
Sa Instagram Live niya, naglabas naman siya ng sama ng loob.
Sey pa ng fashionistang actresss, bagama’t medyo revealing ang kanyang suot, hindi raw ito nangangahulugang bastos ang dating nito.
Dagdag pa niya, wala rin daw siyang masamang intensyon sa ginawa niyang post.
Hirit pa niya, clueless daw siya kung sino ang nasa likod ng umanoý pagkaka-report ng kanyang account.
Gayunpaman, napansin daw niya na tuwing sasapit ang Fashion Week ay may mga taong gumagawa ng paraan para isabotahe ang kanyang social media presence.
Pakli niya: “Sad, but ganun talaga.”
Habang naghahanda naman siya sa isang panayam para sa isang pamosong French magazine at sa meet and greet sa kanyang kafaneyan, sinabi ni Heart na babawiin daw niya sa shopping ang stress na naranasan niya kaugnay ng pagkaka-report ng kanyang social media account.
“I think I deserve to shop. I’m gonna shop today. I’m gonna max my credit cards, because life is good that way, char!”
Klinaro rin niya na hindi siya kumikita nang malaki sa pag-attend niya ng mga Fashion Week events.
Dugtong pa niya, hindi rin daw ito ang kanyang main source of income.
May netizens namang nag-one plus one at sinabing posibleng ang dating glam team niya na nasa pangangalaga na ni Pia Wurtzbach ang sumasabotahe sa kanya.
Si Heart ang kasalukuyang presidente ng Senate Spouses Foundation, Inc.dahil sa pagkahalal ng kanyang esposong si Chiz Escudero bilang Senate President.