Advertisers
INIHAYAG ni International Criminal Court (ICC) Assistant Counsel Kristina Conti na ang pangunahing problema sa isyu ay ang pagsisilbi ng mga arrest warrant dahil ang dapat na magsilbi nito sa mga sangkot sa drug war ay ang administrasyong Marcos.
Tiniyak naman ni Conti na puspusan parin ang imbestigasyon ng ICC upang madetermina ang papel ng mga tagapagpatupad ng “war on drugs” ni daing Pangulo Rody Duterte at mapanagot ang mga ito sa batas.
Naging international issue ang kampanya ng nakalipas na administrasyong Duterte laban sa illegal drugs dahil kumitil ito ng libo-libong buhay.
Kabilang sa mga nagpatupad sa madugong kampanya ay si incumbent Senator Ronald De la Rosa na siyang umupo bilang PNP Chief pagkapanalo ni Duterte simula 2016.
Una naring kumalas o binawi ng Pilipinas ang membership nito sa Rome Statute noong March 2018 at iginiit noon ni Duterte na wala nang karapatan at kapangyarihan ang ICC para imbestigahan ang madugong drug war.
Samantala, sinabi ni Konti na maglalabas ng arrest warrant ang ICC laban sa mga nagpatupad sa war on drugs bago matapos ang taon.