MVHSI PRESIDENT ARNEL GACUTAN AT TREASURER EDITHA QWAIDER PINAKITA ANG ORDER WRIT OF EXSECUTION NG DHSUD-NCR IPATUPAD ANG KAUTUSAN
Advertisers
TINULDUKAN na ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang sigalot sa pagitan ng dalawang nagbabanggaan na grupo ng Multinational Village Homeowner Association Inc (MVHSI).
Ito ay matapos na magpalabas ang DHSUD ng Writ of Execution na nag-uutos sa kampo ni Julio Templonuevo na ipagkaloob na sa grupo ni Arnel Gacutan ang lahat ng mga dokumento ng assosasyon records ng pondo properties office at iba pang mga assets ng asosasyon.
Batay sa nilagdaang Writ of Execution ni Atty. Norman Jacinto Doral ang OIC-Regional Diector ng DHSUD inutos nito Kay Santiago Undecimo, Jr. ang Enforcement Officer ng DHSUD-NCR na ipatupad ang kanyang kautusan.
Dahil dito tagging ang grupo ni Gacutan ang kinikilalang legal na pamunuan ng DHSUD para sa MVHSI at hindi ang grupo ni Templonuevo.
Samantala maging sa naging desisyun ng Korte Suprema ay maliwanag na hindi nito kinikilala ang grupo ni Templonuevo na patunay na legal ang grupo ni Gacutan.
Ang naturang desisyun ng Korte Suprema ay mayroong na ding Finality na inalabas kasunod ang entry of judgement.
Kaugnay into maging ang pamunuan ng Banco DE Oro (BDO) ay pansamantala munang pinahinto ang lahat ng check withdrawals at encashment na account ng MVHSI sa bangko
Inaasahang namang ihahain na ni Undecimo, Jr. ang kautusan ng DHSUD sa tulong na din ng mga kapulisan. (CESAR MORALES)