Advertisers
Arestado ang 25-anyos na call center agent nang gahasain at hingan pa ng pera ang 19-anyos na estudyante noong Hulyo 19 sa Parañaque City.
Mismong si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., ang humingi ng assistance sa District Special Operation Unit ng Southern Police District (DSOU-SPD) upang madakip ang suspek na nakilalang si Edward German Roxas, 25, residente ng Annex 35, Parañaque City.
Nag-ugat ang reklamo nang humingi ng saklolo ang magulang ng estudyante kay Abalos nang gahasain at hingan pa ng malaking halaga ng pera ng suspek upang hindi nito ilabas ang mga maseselan nitong litrato sa social media.
Bago ito nagkakilala ang dalawa sa isang dating app at mataos ang ilang araw na palitaan ng mensahe ay nagkasundong magkita sa isang lugar at doon naganap ang krimen.
Dakong ala-1:30 ng madaling araw ng ikasa ang operasyon kung saan naaresto ang suspek sa kanyang bahay.
Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa SPD-DSOU detention cell habang inihahanda ang patong-patong na kasong Rape, Robbery Extortion, at Disobedience to a Person in Authority.