Advertisers

Advertisers

CONVICTION NINA CASTRO AT OCAMPO SA KASO, KALSO SA KANILANG PAGTAKBO

0 12

Advertisers

DEPARTMENT of Justice na ang nagsabi, na ang hatol na pagkakulong kina ACT Partylist Rep. France Castro at dating Rep. Satur Ocampo, ang kakalso sa kanilang balak na pagtakbong muli sa halalan sa 2025.

Nasaksihan ko ang pahayag na ito sa pulong-balitaan na pinangunahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), kung saan sinabi ni DoJ Spokesperson Atty. Jose Dominic Clavano IV ang pagkatalo nila Ocampo at Castro, na napatunayang guilty ng child abuse, ang babara sa kanilang pagtakbo sa darating na eleksiyon para sa public office.

Paliwanag ni Clavano, kinatigan ng korte ang kabigatan ng mga testimoniya ng mga kabataang nabiktima nila Castro at Ocampo noong 2018, at nagbunga ito sa ‘court decision’ na base sa mga tunay na pangyayari at batas. Ito aniya, ang kahalagaan ng ‘legal process’ na talagang pinangangalagaan ang kalagayan ng mga kabataan.



Dagdag paliwanag pa ni Clavano, malinaw sa mga batas na nakasaad sa Constitution pati na sa Omnibus Election Code, na ang indibidwal na nahatulan ng korte dahil sa isang krimen ay di na maaring tumakbo sa anumang posisyon sa halalan.

“Ang pang-aabuso sa bata or child abuse gaya nito ay pasok sa moral turpitude. Crimes of moral turpitude involves acts that are morally wrong and goes against the basic principles of decency and humanity,” paglilinaw pa ni Clavano.



Ang paghingi naman nila Castro at Ocampo ng piyansa, ayon pa rin kay Clavano, ay ididetermina, base sa mga lakas ng ebidensiya laban sa kanila at krimeng nagawa nila, kahit karapatan nilang manghingi ng piyansa o’ bail.

Kung ganyan pala, ano mang pagpipilit nila Castro at Ocampo na tumakbo sa 2025 elections, eh pihadong mababalaho lamang. Pihado ko, marami ang kakalso sa pagtakbo ni Ocampo at Castro.



Mangunguna diyan, siyempre ang mga magulang ng mga kabataang nabiktima nila sa kasong sila’y nahatulan. Eh mano pa, yun ibang di pa nagkakaso sa kanila, nang marecruit at maloko nila ang mga ito, para sumali sa kanilang kilusan – walang iba kung di ang komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF)