Advertisers
Sa halip na magsisihan sa naganap na pagtagas ng langis dahil sa pagkakalubog ng barkong MT TERRANOVA sa LAMAO POINT, LIMAY, BATAAN ay magtulungan na lamang dapat ang lahat ng sangay ng gobyerno upang solosyunan ang pagsasalba sa kalikasan at maasistehan ang mga mamamayang naapektuhan ng trahedya.
Ika nga, walang nagnais o naghangad sa pagkakalubog ng barkong naglalaman ng 1.5 million liters ng industrial oil noong July 25 ng kasalukuyang taon.., na ito ay pinahintulutan naman ng kinauukulan ahensiya para sa paglalayag sa karagatan sa kabila ng bad weather condition noong panahong iyon.
Ang MT TERRANOVA na pag-aari ng SHOGUN SHIPS COMPANY INC. ang tanging may pananagutan sa naging trahedya at anumang resulta sa environmental damage na nilalaman ng RA 9483 at international Maritime law.., ika nga, ang cargo o ang katulad ng industrial oil ay naikarga na sa isang barko ay ang nagmamay-ari na ng barko ang siyang may liability o may pànanagutan sa anumang kasasapitan.
Ang isinasaad ng RA 9484 at ang SECTION 1, Rule of it’s Implementing Rules and Regulations ay ang.., imposing ten centavos per liter for every delivery or transshipment of oil made by tanker barges and tanker haulers. The value of the Philippine marine ecosystem cannot be overemphasized.
Ang pagtuunan ng mga kinauukulan sa ngayon ay ang collective action at asiste o suporta sa isinasagawang recovery efforts.., na anumang pagtuturuan o sisihan ay magiging sagabal lamang sa mabilisang pagresolba at pagbibigay asiste sa mga naapektuhan. Ang paninisi ng ibang mga civic group sa naging trahedya ay hindi ito makatutulong sa mabilisang solusyon para maprotektahan ang seguridad sa ating mga katubigan.
Kamakailan, ang DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DOLG) sa pangunguna ni INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT SECRETARY BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR ay nagbuo ng INTER-AGENCY TASK FORCE para mapagtuunan ang pagbibigay solusyon na maisalba pa ang nagsitagas na mga langis.
Ang INTER-AGENCY TASK FORCE ay kinabinilangan ng DILG; Department of Environment and Natural Resources (DENR); Department of Social Welfare and Development (DSWD); Department of Health (DOH); Department of Transportation (DOTr); Department of Science and Technology at iba pang NATIONAL GOVERNMENT AGENCIES na isinama na rin dito ang ilang LOCAL GOVERNMENT UNITS tulad ng BATAAN, BULACAN, PARAÑAQUE, LAS PIÑAS, PASAY, MANILA, NAVOTAS at CAVITE.
Ayon kay ABALOS, binuo ang task force upang tutukan at maresolba ang oil spill sa Lamao Point at kung maaari pang ma-salvage ang milyong litro ng industrial fuel.
Bago ang pagbuo ng TASK FORCE ay una nang pinangunahan ni ABALOS ang pulong ng JOINT NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL (NDRRMC)- REGIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL (RDRRMC) bilang pagtugon sa naging pag-uutos ni PRESIDENT FERDINAND ” BONGBONG” MARCOS JR na asistehan ang mga LGU na naapektuhan ng oil spill.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.