Advertisers
Pinangunahan nina Senate Majority Leader Sen. Francis “Tol” Tolentino at sikat na influencer vlogger na si Rosmar Pamulaklakin Tan ang paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina sa Barangay Lambakin , Bulacan sa nabanggit na bayan Miyerkoles (July 31).
Hindi magkamayaw ang mga taga Marilao Bulacan nang masilayan at madama ang bukal sa pusong paghahatid ng tulong ng masipag na senador kasama ang sikat na vlogger.
Namahagi ng food packs sina Sen. Tolentino, Rosmar at ang Team Malakas sa may 6,000 na indibiduwal na naging biktima ng kalamidad sa lugar.
Ayon kay Sen.”Tol,” patuloy na tutulong maging si Rosmar sa mga kababayang lubhang naapektuhan ng Bagyong Carina.
Bukod sa food packs, namahagi rin si Sen. Tol at Rosmar ng cash assistance at gadget sa ilang personalidad sa nasabing barangay.(Beth Samso )